Pambansang Isyu

Impeachment ni Corona: ‘Pagpapanagot kay Arroyo, babala kay Aquino’


Bahagi ng pagpapanagot kay Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpapanagot kay Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng impeachment trial sa Senado, paliwanag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na isa rin sa mga prosecutor sa magaganap na impeachment.

Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares, isa sa mga taga-usig sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. (PW File Photo)
Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares, isa sa mga taga-usig sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. (PW File Photo)

Nalalapit na ang simula ng paglilitis kay Chief Justice Renato Corona. Sa paggulong ng paglilitis na ito, tiyak na tatadtarin ang publiko ng napakaraming argumento, kontra-argumento, akusasyon at kontra-akusasyon.

Sa inaasahang mainit na bangayan ng kampo nina dating pangulong Gloria Arroyo at Pangulong Noynoy Aquino—ang dalawang kampong may malinaw na pansariling interes sa impeachment—madaling mawala sa usapan ang interes at pakinabang dito ng taumbayan.

Para liwanagin at palawigin ito, kinapanayam ng Pinoy Weekly si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, isa sa mga miyembro ng prosekusyon sa impeachment trial ni Corona at kabilang sa progresibong bloke sa Kongreso.

Pinoy Weekly (PW): Bakit sinusuportahan ng progressive bloc sa Kongreso ang impeachment ni Chief Justice Renato Corona?

Bayan Muna Rep. Neri Colmenares (NC): Ang pagsuporta namin sa impeachment ni Corona ay tungkol sa pagpapanagot kay Arroyo. Wala itong pinagkaiba sa pagsuporta namin sa impeachment kay (dating Ombudsman) Merceditas Gutierrez, na in-appoint ni Arroyo para protektahan siya laban sa prosekusyon. Tungkol ito sa accountability ni Arroyo, at ng Chief Justice para sa kanyang mga aksiyon na nagpoprotekta kay Arroyo.

Isa itong laban kay Arroyo at sa katiwalian. Isa itong laban ng mga mamamayan, at hindi lamang away sa pagitan nina Aquino at Corona.

PW: Gaano kalakas ang kasong impeachment na ihahain ninyo sa Senado?

NC: Mainly ang mga batayan natin ay (iyung) mga desisyon ng Chief Justice na pumabor kay Arroyo. Tingin natin, these are conscious efforts to protect and shield her.‘Yung Articles 1* atArticle 7**‘yung ating mga pinaghahawakan, dahil ‘yun ang esensiya ng ating paniningil at pagpapanagot kay GMA.

PW: Ano ang inyong tugon sa depensa ni Corona na collegiality (o prinsipyong ang mga desisyon ng Korte Suprema ay pinagdesisyunan ng lahat ng huwes)?

NC: Ang isyu dito ay ang pagiging partial ni Corona. Hindi ibig sabihin na kapag partial siya, partial na rin ang iba pang justices.The fact is, siya ang nakasalang sa impeachment.  Kung may magpapa-impeachng ibang justices,pag-aaralan namin ‘iyon. But it doesn’t mean that if the others have not been charged, then you cannot be charged.  Halimbawa, kung magnanakaw ka at sampu kayo, tapos kinasuhan ka dahil ikaw ang nahuli. Hindi mo puwedeng sabihing hindi ka puwedeng kasuhan dahil may siyam pang iba. Dapat kasuhan ka pa rin.

Secondly, even if the other justices were impartial, Corona was partial. The Philippine Constitution requires that each justice of the Supreme Court shall be impartial. So kung ang teorya ni Corona is that you cannot be impeached for partiality on the ground that all decisions of the Supreme Court are collegial decisions, when can the constitutional provision be triggered? When can one justice be impeached for partiality? Never. Ang teorya ni Justice Corona is that you impeach all, or no one at all. Is that the correct interpretation of the Constitution? Of course not. Otherwise, the Constitution wouldn’t have said that each justice shall be impartial.

Isa pang halimbawa, tumanggap ka ng P10 Milyon para magbigay ng TRO. Hindi mo puwede sabihing hindi ka puwedeng mai-impeach dahil sampu naman kayong nagdesisyong ibigay ang TRO.Tumanggap ka ng P10-M eh. Collegial nga ’yung desisyon pero dapat kang managot para sa iyong individual acts. Ang sabi nila, bribery na ‘yon. At na ’yung partiality ay mahirap mapatunayan. Eh di doon na tayo pumunta sa mismong kaso.

’Yun ang papatunayan namin sa impeachment trial. Collegiality is not a defense. It is a very absurd argument, a practical cover-up for any individual justice who commits an offense.

PW: Ano ang ipinapahiwatig ng impeachment ni Corona hinggil sa Korte Suprema bilang isang institusyon?

NC: Technically, wala naman sana because it’s the Chief Justice who is being held accountable. After all, it’s the president who appointed the Chief Justice and not the Supreme Court. Is the impeachment an attack on the judiciary? No. It’s an impeachment of the Chief Justice. In fact, institutions should look at it as means of cleansing the institution, rather than destroying it.

‘Yan dapat ang normal na pagtingin nila. Kung ’yun ang konsepto, na kapag may kinakasuhan o pinupuna ka ay you’re destroying the institution, let’s forget about criticizing the mayor, the congressman, the governor,  or even the president. Dapat may kalayaan ang mga mamamayan na punahin o patalsikin ang lahat ng mga opisyal na may pananagutan sa publiko.

Secondly, the Chief Justice, and all the other impeachable officials, are gods.They are gods in the sense that unlike us ordinary mortals who can be haled to court anytime, these gods cannot be charged in court at all. The only way to make them accountable is through the impeachment proceedings. And what is the point of an impeachment kung laging ito pala ay attack on the office itself? Ginamit na dati ni Arroyo ang argumentong ’yan, na ang pag-impeach sa kanya ay pag-atake sa gobyerno. Para sa akin, it’s an act of arrogance to equate onself with the institution, to make oneself so indispendable that any move to unseat you is an attack on the institution.

Sina Bayan Muna Rep. Teddy Casino, Fr. Joe Dizon at Bibeth Orteza, sa paglulunsad ng Panagutin si Gloria Movement noong Enero 12. (Macky Macaspac)
Sina Bayan Muna Rep. Teddy Casino, Fr. Joe Dizon at Bibeth Orteza, sa paglulunsad ng Panagutin si Gloria Movement noong Enero 12. (Macky Macaspac)

PW: Binasag ba ni Corona ang ilusyon na ang Korte Suprema ay isang impartial na institusyon? 

NC: Sa mahabang panahon, mababa ang ratings ng hudikatura sa mga survey. Sigurado ako na alam at naniniwala ang publiko na tiwali ang hudikatura. Wala silang ilusyon na malinis ito. In fact, ang mabagal na hustisya ay isa sa mga dahilan ng rebelyon sa ating bansa. I’m sure that there is already a recognition that the judiciary system really is a corrupt system. Walang idinagdag itong impeachment, except that for the first time, nabigyan ng pag-asa ang mga mamamayan na may mga mekanismo para mapanagot ang mga nasa hudikatura.

PW: Sinasabing ang impeachment ay hakbang ni Pangulong Aquino para kontrolin ang Korte Suprema. Ano ang tingin ninyo rito?

NC: Sumuporta ang Bayan Muna sa impeachment bilang bahagi ng pagpapanagot kay Arroyo. Ayaw namin ng Korte Suprema na beholden kay Arroyo. Gayundin, ayon namin ng korte na beholden kay Aquino. This move to cleanse the Supreme Court of the influence and control of Arroyo should not resort to a Supreme Court that is under the control and influence of Aquino. Kung sakali, ’yun ang magiging pinakamalaking pagkakamali ni Aquino dahil ang anumang hakbang para gawing beholden sa kanya ang korte ay magpapabagsak sa kanya at kanyang kredibilidad.

Ipahihiwatig rin nito na wala siyang ipinagkaiba sa dating pangulo. Anuman ang motibasyon ni Aquino, ang impeachment na ito ay tungkol kay Arroyo, at isa na ring babala kay Pangulong Aquino at sa magiging bagong Chief Justice. Whoever the new Chief Justice will be, he should not commit the same mistake, otherwise he will risk being impeached.

PW: May kongkreto bang mga hakbang na puwedeng gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng “Aquino court”?

NC: Totoo na ang pangulo ang nagtatalaga ng Chief Justice. Ang puwedeng gawin ng publiko ay ang partisipasyon sa proseso ng selection at pagtutulak sa mga miyembro ng Kongreso na umaksiyon kapag may ginawang impeachable offense ang Chief Justice. Sa malaki ring bahagi, dahil makapangyarihan ang presidente both constitutionally and politically. The decisive check and balance will be that of the people checking the president, na siyang nagtatalaga ng Chief Justice at iba pang huwes.

Siyempre, sa huli, ang pinakamakabuluhang reporma ay ang pagreporma sa buong gobyerno, lalo na ang ehekutibo na sunud-sunuran sa interes ng lokal na naghaharing-uri at mga dayuhan. Only through a government that is subservient to the interests of the people can you ensure that the justices will also be subservient to the interests of the people. Pero iyon ay isang pangmatagalang solusyon at hindi nakasalalay sa impeachment lamang ng Chief Justice. That can only be achieved through social reforms, or economic and political changes in Philippine society.

Only institutional reform can ensure a pro-people court. But definitely, impeachment will have its impact.The moment you impeach a Chief Justice, posibleng hindi na sila maging ganoong ka-garapal sa kanilang mga tiwaling desisyon.

Bahagi ng pagpapanagot kay Arroyo ang pagpapanagot kay Corona. Si Rep. Colmenares, sa piket ng Bayan Muna at mga progresibong grupo sa Korte Suprema noong Oktubre 2011. (Arkibong Bayan)
Bahagi ng pagpapanagot kay Arroyo ang pagpapanagot kay Corona. Si Rep. Colmenares, sa piket ng Bayan Muna at mga progresibong grupo sa Korte Suprema noong Oktubre 2011. (Arkibong Bayan)

PW: Hindi ba’t hindi tayo nakakasiguro na kapag na-impeach si Corona ay mapapanagot si Arroyo? Lalo at ang mas mahinang kaso ng electoral sabotage ang sinampa ng gobyernong Aquino?

NC: Dapat ngang papanugutin din si Aquino sa kanyang mabagal na aksiyon laban kay Arroyo. He treated Arroyo with kid gloves, especially in the first year. Umaksiyon lamang siya laban kay Arroyo nang bumabagsak na ang kanyang survey ratings, at napansin niyang tumataas ang kanyang ratings tuwing tinutugis niya si GMA. Pero ’yung mas seryosong mga krimen ni Arroyo, gaya ng human rights violations at plunder, ay hindi pa nopo-prosecute.

Pero hindi ibig sabihin na porke’t ipinupuwersa natin si Aquino na seryosong papanagutin si Arroyo, hindi na tayo gagalaw para tanggalin ang mga istruktura na dumedepensa sa dating pangulo. After all, impunity is a comprehensive system. If you terrorize the people and the victims so that they no longer make moves to hold you to account, that’s impunity in itself. So, comprehensive ang effforts natin against impunity. Hindi natin bibitiwan ang ating panawagan kay Aquino na parusahan si Arroyo sa paraang mas mabilis at mas mabigat. Gayundin, hindi natin bibitawan ang laban para mawala sa puwesto ang mga tao na nagpoprotekta kay Arroyo.

PW: Pinangunahan ng malalapit na alyado ni Aquino ang mga hakbang para i-impeach si Corona. Paano mapapanatili ng progressive bloc ang kanyang inisyatiba at pagiging independiyente sa gitna nito?

NC: Sa totoo lang, ang progressive bloc ang pinaka-consistent sa kilusang kontra-Arroyo, kumpara sa maraming kongresista ng Liberal Party. Dati pa ngang bahagi ng mayorya ni Arroyo si Aquino. I think that the people recognize that the move against the Chief Justice is a move against Arroyo, and that no one can claim a monopoly on that. I’m sure there’s a recognition even on the part of the majority that the progressive forces are an important component.

Sa maraming kaso na nabanggit sa impeachment complaint—emergency rule, executive privilege, calibrated preemptive response, charter change—petitioners ang mga progresibong puwersa. Pamilyar tayo sa mga kaso na pumapabor kay Arroyo. Kaya’t kailangan nila (mayorya) ang mga progresibo sa impeachment proceedings.

Kailangan nila ang mass base ng mga progresibo para suportahan ang impeachment, dahil hindi ito basta-basta hahayaan nina Arroyo at Corona. There will be battle in the media, there will be a battle in the Senate. The progressive forces should be an important factor in all these arenas of battle because of our reach, our consistent principled position on Arroyo, and our involvement in all the cases involved.

___

*Article 1 of Corona impeachment complaint- Betrayal of public trust through his track record marked with partiality and subservience in cases involving the Arroyo administration

*Article 7 of Corona impeachment complaint- Betrayal of public trust through  his partiality in granting a Temporary Restraining Order in favor of the Arroyos