Karapatang Pantao

Larawan: Isang taon nang pagpiit kay Ericson Acosta, binatikos ng mga akademiko, artista

Nagtipon muli ang mga artista, akademiko, kapwa aktibista at kaibigan ni Ericson Acosta sa Palma Hall sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City para isagawa ang isang “haranang bayan” kaalinsabay ng isang taong pagkakakulong ni Acosta sa Calbayog, Samar.

Mariing iginiit ng nila na di-makatarungang dinukot ng militar si Acosta noong Pebrero 2011. Hanggang ngayon, anila, patuloy na nilalabag ang mga karapatan niya sa pagkakapiit ni Acosta.

Ilan sa mga larawan sa “haranang bayan” ang press conference:

Nagtanghal sa naturang "haranang bayan" ang makabayang mga rapper na sina BLKD at LANSETA. (Free Ericson Acosta Campaign)

Nagpahayag ng pakikiisa sa laban para sa kalayaan ni Acosta at iba pang bilanggong pulitikal si Prop. E. San Juan Jr., tanyag na kritiko at akademiko na nakabase sa US. (Free Ericson Acosta Campaign)

Iniugnay ni Dean Rolando Tolentino ng UP College of Mass Communication ang sitwasyon ni Acosta sa iba pang aktibista at miyembro ng komunidad ng pamantasan, tulad nina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan na mga desaparecido, at Maricon Montales na bilanggong pulitikal, na "mabubuting anak ng bayan" na sinusupil ngayon ng gobyerno. (KR Guda)

Matapos ang programa, nagsilagdaan ang mga tagasuporta bilang pakikiisa sa kampanya para sa pagpapalaya kay Ericson Acosta at iba pang bilanggong pulitikal. Sa larawang ito, lumalagda si Bibeth Orteza, tanyag na artista, direktor, scriptwriter at rehente sa UP. (KR Guda)

Lumagda rin dito si Ricky Lee, tanyag na scriptwriter, awtor at dating bilanggong pulitikal noong panahon ng batas militar. (KR Guda)