Jailhouse Blog

Mula Tarima Hanggang

Mula tarima hanggang sa ipising kasilyas isang di iniisip na hakbang ng tsinelas. Mula tarima hanggang d’yan sa rehas na bakal isang buga ng usok at dukwang na mabagal. Mula tarima hanggang sa erya ng dalawan isang pasilyong putol kundi man ay dal’wang buwan. Mula tarima hanggang dalawin na ng himbing isang buong magdamag, buong […]

Nakahiga sa Tarima Kaharap ng Pader

Isang pares na ipis itong mga paa ko na gumalu-galugad sa pader na semento. Napaihi ang higad sa bote ng Anejo, Nilanggam ang balikat ng modelo ng So-ho. Napaipot ang tiki sa bigote ng santo. Binangaw ang bunganga ng trapong kandidato. Isang pares na surot itong mga mata ko na sumisip sa dugo’t laman ng […]

Pagsisimula sa Talaarawan

(Nota: Ito dapat ang naging una sa serye ng mga salin ni Ericson Acosta sa Prison Diary ni Ho Chi Minh. Pero dahil sa paglilipat-kamay ng sulat mula sa bilangguan ay ngayon lang nakarating ang artikulong ito sa PW.) Sa samu’t saring padala ng mga kaibigan sa Maynila na hinatid sa akin nina Bomen Guillermo […]

Gestalt

Kumikisap-kisap ang bombilya na bibitin-bitin sa kabelya; gaya ng tsubibo sa perya, umiindak at nagbabanyuhay Pumipitik-pitik ang bombilya na bibitay-bitay sa kabelya, at ang subersibo sa bastilya — pumapadyak, nag-aagaw-buhay

Mahirap ang Landas ng Buhay

I Matapos maglakbay sa matarik na kabundukan Aakalain ko bang higit ang panganib na masasalubong sa kapatagan? Sa bundok nang masalubong ko ang isang tigre ay hindi ako napahamak, Sa patag may nakaengkwentro akong mga tao, at sa kulungan ako inilagak. II. Ako ay isang delegado ng sambayanan ng Vietnam Papunta sa Tsina upang isang mahalagang […]

Mga Kuko at Paliwanag

Sa pader na barubal yung kalburo, sa gitna mismo nung pader wala na ngayon dun yung anino nung taong pumatay – kanina pa siguro siya sumakay sa bulok na hangin, sa gabok, sa usok, pabalik sa kunh san mang sulok para subukang bumawi ng tulog pagkatapos maghugas ng kamay. Ganyan naman madalas yung tagpo ng […]

Buhay-Kulungan

Ang sumusunod ay bahagi ng serye ng mga salin at repleksyon ni Ericson sa mga tula ng rebolusyonaryong Byetnames na si Ho Chi Minh mula sa kanyang tanyag na Prison Diary.