Pambansang Isyu

‘Pagdagsa ng puwersang militar ng Kano sa bansa, panganib sa relasyong panlabas ng Pilipinas’


Ipinrotesta ng mga militante sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang pinakahuling mga hakbang ng gobyerno ng US para paigtingin ang presensiyang militar nito sa Pilipinas. Pinakahuli nito ang panibagong pagpasok ng isang nuclear-powered submarine sa Subic Bay, Zambales. Ipinoprotesta din ng Bayan ang patuloy na partisipasyon ng US spy planes sa isang naval […]

Martsa ng mga militante sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para muling irehistro ang pagtutol sa tumitinding presensiya ng puwersang militar ng US sa bansa. (Pher Pasion)
Martsa ng mga militante sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para muling irehistro ang pagtutol sa tumitinding presensiya ng puwersang militar ng US sa bansa. (Pher Pasion)
Martsa ng mga militante sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para muling irehistro ang pagtutol sa tumitinding presensiya ng puwersang militar ng US sa bansa. (Pher Pasion)

Ipinrotesta ng mga militante sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang pinakahuling mga hakbang ng gobyerno ng US para paigtingin ang presensiyang militar nito sa Pilipinas.

Pinakahuli nito ang panibagong pagpasok ng isang nuclear-powered submarine sa Subic Bay, Zambales.

Ipinoprotesta din ng Bayan ang patuloy na partisipasyon ng US spy planes sa isang naval exercise sa Mindanao.

Naggiit ang mga militante na makalapit sa harap ng embahada ng US sa Manila para kondenahin ang naturang mga hakbang, gayundin ang pagpayag ng administrasyong Aquino na umano’y yurakan ng US ang soberanya ng bansa.

Sinabi pa ng Bayan na tila na mapanganib ang pag-igting na ito ng puwersang militar ng US sa relasyong panlabas ng Pilipinas sa mga bansang tulad ng Tsina.

Makakailan, nabalita ang pagtanggi ni Hu Jintao, presidente ng Tsina, na makipagkita kay Pang. Benigno Aquino III, sa porum Asia Pacific Economic Cooperation (Apec) na ginanap sa Russia.

“Hindi natin kailangan ang mga tropang Amerikano dito sa ating bansa. Wala tayong kaaway. Hindi tayo nakikipagdigma sa kahit na sinong bansa,” sabi ni Rita Baua ng Bayan.

Sinabi pa ni Baua na kung anumang sigalot sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ay dapat na mapayapa at diplomatikong napag-uusapan. Palalalain lamang ng tumitinding presensiya ng militar ng US sa Pilipinas ang sitwasyong ito.

Sa monitor ng mga militante, lalong dumami nitong nakaraang mga buwan ang pagdagsa ng mga barkong pandigma at eroplano sa paniniktik ng US sa bansa. (Pher Pasion)
Sa monitor ng mga militante, lalong dumami nitong nakaraang mga buwan ang pagdagsa ng mga barkong pandigma at eroplano sa paniniktik ng US sa bansa. (Pher Pasion)

“Ang ang sasakyang ito ng USS Hawaii na may dalang (armas) nukleyar at (kung) sumabog sa ano mang paraan, hindi lamang mga taga-Central Luzon ang tiyak na maapektuhan,” ayon kay Lengua De Guzman, deputy secretary-general ng Bayan.

Maliban sa pagdaong sa Subic ng USS Hawaii, nauna nang dumating sa bansa noong Setyembre 3 ang USS Frank Cable isang LY Spear class submarine.

Sa mga nakaraang mga buwan, dalawang mabibilis na submarine naman ang dumating: ang USS North Carolina na isang ring nuclear powered submarine, at ang USS Louisville.

Dagdag ng Bayan, dumating din ang USNS Mercy, ang pinakamalaking hospital ship ng US sa dating US naval base.

Sa Manila Bay naman, huminto ang USS Milius, ang guided-missile destroyer ng US, noong Agosto.

Isang US navy surveillance plane na PC Orion naman ang lumipad mula Cebu patungong Davao upang sumali sa coast watch exercise kasama ang Philippine Navy at ng Philippine Coast Guard.

Ayon sa Bayan, may plano ang US na magtayo ng missle defense system sa Asia at labis umanong ikinababahala ito ng Tsino. Kasama sa plano ang pagtatayo ng early warning device radar sa Pilipinas.

Nagbabala ang Bayan na habang binibigyang katwiran ng mga opisyal ng US at Pilipinas ang pagdami ng tropang Kano sa bansa at sa rehiyon, lalong nagiging di-estable ang rehiyon.

“Lalong nailalagay ang mga Pilipino sa hindi kinakailangang tunggalian at kaligtasan. Ang madalas na pagdating at pagdami ng modernong mga kagamitang pandigma ng US sa mga daungan ng Pilipinas ay naglalagay sa bansa sa panganib na dulot ng nuclear weapons na maaaring dala ng mga ito na lumalabag sa soberanya at konstitusyon ng bansa,” paliwanag ni De Guzman.