Mantrang Inanod sa Maitim na Butas ng Cyberspace


Datapwat lalong lumala ang sakit at gutom kahit 7.2% lumago ang GNP Diyata Datapwat wala pang $2 kada araw ang pantawid-buhay ng nakararaming pamilya Diyata Datapwat sa harap ng nagkatusak na mall 39 milyong tao ang walang trabaho Diyata Datapwat wala pa ring hustisya ang mga biktima ng Mendiola’t Ampatuan masaker Diyata Datapwat pinatay pa […]

Nagpahayag ng pakikiisa sa laban para sa kalayaan ni Acosta at iba pang bilanggong pulitikal si Prop. E. San Juan Jr., tanyag na kritiko at akademiko na nakabase sa US. (Free Ericson Acosta Campaign)

Datapwat lalong lumala ang sakit at gutom kahit 7.2% lumago ang GNP
Diyata
Datapwat wala pang $2 kada araw ang pantawid-buhay ng nakararaming pamilya
Diyata
Datapwat sa harap ng nagkatusak na mall 39 milyong tao ang walang trabaho
Diyata
Datapwat wala pa ring hustisya ang mga biktima ng Mendiola’t Ampatuan masaker
Diyata
Datapwat pinatay pa si Ricardo Ramos & mga kasapi ng unyon sa Hacienda Luisita
Siyanga?
Datapwat nagdarahop ang mga pesante sa mga hacienda sa Pampanga’t Negros
Ay ewan
Datapwat hanggang ngayon walang mabisang tulong para sa libu-libong pamilyang nasalanta ng Haiyan/Yolanda
Ay ewan
Datapwat sa simula pa lamang ng 2014 nagkaroon na ng 21 biktima ng EJK (Extra- Judicial Killing), 21 dinukot, 94 binugbog, 631 detensiyong labag sa batas
Ay ewan
Datapwat matapang si Loida Magpatoc sa pagtutol sa barbaridad sa Camp Bagong Diwa at kurakot ng uring oligarko’t komprador
Ay ewan
Datapwat patuloy ang dahas pandurukot tortyur pandarambong ng mga pulis-militar
Siyanga?
Datapwat pinaslang nila si William Bugati ng tribung Kuwali sa Kiangan, Ifugao
Diyata
Datapwat sapilitang itinaboy ng mga sundalo ang buong tribung Manobo mula sa kanilang lupang tinubuan
Ay ewan
Datapwat nawala na ang soberanya ng bansa (kung meron man) dahil sa VFA / EDCA at sakop na tayo ng US Special Forces & korporasyong dayuhan, salamat sa rehimeng taksil at aliping ahente ng imperyalismong mandurugas
Siyanga?
Datapwat 12 milyong Pinay/Pinoy na ang nag-abrod at 6,000 mamamayan ang tumatakas araw-araw upang mging alila ng mundo
Siyanga?
Datapwat wala pa ring naisakdal na upisyal sa mga krimeng nabanggit & nangyayari
Siyanga?
Datapwat inutil ang Oplan Bayanihan at Balikatan sa paglutas ng gutom krimen
Ay walanghiya!
Datapwat tigil na dakdakero idatdat ang punglo’t dinamitang magpapasabog sa buong sistemang bulok na ubod ng kawalang-hiyaan!