Pinoy Weekly

Mga Larawan | EDCA at pork barrel, patunay ng ‘kawalan ng kalayaan’ sa ilalim ni Aquino

Si Pio Emmanuel Mijares sa Naga City, matapos makapagpiyansa, Hunyo 13. Kontribusyon/Vince Casilihan

Si Pio Emmanuel Mijares (naka-pula) sa Naga City, matapos makapagpiyansa, Hunyo 13. Kontribusyon/Vince Casilihan

Nitong Hunyo 12, ipinakita ng rehimen kung papaano nito ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan: sa pamamagitan ng pagkumpiska ng simbolikong mga baril ng mga Katipunerong nagsasagawa ng street play malapit sa embahada ng Amerika. Sa parehong umagang iyon, inaresto ng Presidential Security Group ng Pangulo ang isang estudyante, ang 19-anyos na si Pio Emmanuel Mijares ng Ateneo de Naga University, matapos sumigaw siya ng “Walang pagbabago, sa ilalim ni Aquino!”, “Aquino, patalsikin!” at iba pang islogan na dapat sanang hinahayaang iparinig sa Pangulo sa isang malaya at demokratikong lipunan.

Ito naman kasi ang mismong mensahe ng mga nagprotesta, na pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) malapit sa embahada ng US sa umaga, at malawak na alyansang kontra-pork barrel na #AbolishPork Barrel Movement sa hapon: Hindi tunay na malaya ang bayan na pinangingibabawan ng isang dayuhang (at imperyalistang) bansa sa pulitika at ekonomiya, at pinamumunuan ng isang gobyerno na nagkukunsinti ng malawakang pangungurakot sa porma ng sistemang pork barrel.

Ipinagkita ng dalawang pagkilos ang direktang pagkakaugnay ng dalawang problema, ng imperyalismo at ng sinasabi nitong burukrata-kapitalismo. Malawak ang hanay ng mga lumalaban sa pork barrel; kahit mga alyado ng Pangulo at mismong si Aquino, nagsasabing kontra sila sa pork barrel (kahit pinananatili ang sistemang ito sa ilalim ng 2014 Badyet at sa pagpapanatili ng Disbursement Acceleration Program o DAP na kontrol mismo ni Aquino). Pero sa mga progresibong lumahok (aabot ng halos 10,000, sa tantiya ng marami) sa protesta noong umaga at hapon, hindi magkahiwalay ito. May nangingibabaw na dayuhang interes, na siya namang nagkukunsinti sa mga katiwalian ng lokal na elite para patuloy na mapasunod ito. Samantala, matindi pa rin ang monopolyo sa lupa ng lokal na mga elite, at di pa rin malaya ang mayoryang magsasaka na pagyamanin ang lupa.

Iyan, sa maikling salita, ang Pilipinas. Iyan, sa maikling salita, ang kawalan ng kalayaan, mula 1898 hanggang sa kasalukuyan.

Mga larawan nina Boy Bagwis, Macky Macaspac, Pher Pasion, LJ Pasion, at Ilang-Ilang Quijano:

Mistulang street theater ang bumungad sa mga pulis sa protesta ng Bayan sa embahada ng US: ang lider-obrero na si Sammy Malunes bilang Andres Bonifacio, kasama ang mga Katipunerong lumaban para sa kalayaan ng bayan noong rebolusyong 1896. Pher Pasion

Nakaumang ang mga "baril" na props sa pagsasadula ng mga aktibista sa rebolusyong 1896, sa harap ng mga pulis sa embahada ng Amerika. Nasa kaliwa si Gabriela Rep. Emmi de Jesus bilang Katipunera / Inang Laya. Macky Macaspac

Nakaumang ang mga “baril” na props sa pagsasadula ng mga aktibista sa rebolusyong 1896, sa harap ng mga pulis sa embahada ng Amerika. Nasa kaliwa si Gabriela Rep. Emmi de Jesus bilang Katipunera / Inang Laya. Macky Macaspac

Pinuwersang kunin ng mga pulis ang props na "baril" ng mga nagpoprotestang aktibista. Pher Pasion

Pinuwersang kunin ng mga pulis ang props na “baril” ng mga nagpoprotestang aktibista. Pher Pasion

Tuloy ang protesta kahit malakas na bumuhos ang ulan. Nasa larawan si Garry Martinez ng Migrante International. Pher Pasion

Tuloy ang protesta kahit malakas na bumuhos ang ulan. Nasa larawan si Garry Martinez ng Migrante International. Pher Pasion

Program na nabigo umanong mapagpasyang buwagin ang monopolyo sa lupa ng iilan, kung kaya wala pa ring tunay na kalayaan sa mga magsasakang Pilipino. Macky Macaspac

Pinatutukuyan ng KMP ang Comprehensive Agrarian Reform Program na nabigo umanong mapagpasyang buwagin ang monopolyo sa lupa ng iilan, kung kaya wala pa ring tunay na kalayaan sa mga magsasakang Pilipino. Macky Macaspac

Pinagbabato ng kababaihan ang imahen ng Pangulo at mga alyadong sangkot sa pork barrel scam. LJ Pasion

Pinagbabato ng kababaihan ang imahen ng Pangulo at mga alyadong sangkot sa pork barrel scam. LJ Pasion

Mother Mary John Mananzan ng Babae Laban sa Katiwalian (Babala) at #AbolishPork Movement. Boy Bagwis

Mother Mary John Mananzan ng Babae Laban sa Katiwalian (Babala) at #AbolishPork Movement. Boy Bagwis

Muling dala ng Bayan sa protesta ng #AbolishPork Movement, hapon noong Hunyo 12 sa Liwasang Bonifacio, ang "Golden Baboy" na mistulang sinasamba umano ng mga pulitiko na sangkot sa eskandalo ng pork barrel sa bansa ngayon. LJ Pasion

Muling dala ng Bayan sa protesta ng #AbolishPork Movement, hapon noong Hunyo 12 sa Liwasang Bonifacio, ang “Golden Baboy” na mistulang sinasamba umano ng mga pulitiko na sangkot sa eskandalo ng pork barrel sa bansa ngayon. LJ Pasion

Mga baboy sa kulungan. Pher Pasion

Mga baboy sa kulungan. Pher Pasion

Kontra-baboy na salad ng mga maka-kalikasan, sa protesta sa Liwasang Bonifacio. Macky Macaspac

Kontra-baboy na salad ng mga maka-kalikasan, sa protesta sa Liwasang Bonifacio. Macky Macaspac

Sina Dante JImenez ng Volunteers Against Crime and Corruption, Archbishop Emeritus Oscar Cruz at dating Bayan Muna Rep. Teddy Casino. Macky Macaspac

Sina Dante JImenez ng Volunteers Against Crime and Corruption, Archbishop Emeritus Oscar Cruz at dating Bayan Muna Rep. Teddy Casino. Macky Macaspac

Bungo na simbolo ng kamatayan ng kalayaan ng bansa ang paglagda umano ng Enhanced Defense Cooperation Agreement. Ilang-Ilang Quijano

Bungo na simbolo ng kamatayan ng kalayaan ng bansa ang paglagda umano ng Enhanced Defense Cooperation Agreement. Ilang-Ilang Quijano

Ang mang-aawit na si Monet Silvestre ng #AbolishPork Movement: Nabigyan na ng maraming pagkakaton si Aquino na gawin ang tama. Macky Macaspac

Ang mang-aawit na si Monet Silvestre ng #AbolishPork Movement: Nabigyan na ng maraming pagkakaton si Aquino na gawin ang tama. Macky Macaspac

Martsa ng libu-libo patungong Mendiola. Boy Bagwis

Martsa ng libu-libo patungong Mendiola. Boy Bagwis

Kuha ni Boy Bagwis

Kuha ni Boy Bagwis

May maskarang baboy at karatula hinggil sa kawalan ng kalayaan ang demonstrador na ito. LJ Pasion

May maskarang baboy at karatula hinggil sa kawalan ng kalayaan ang demonstrador na ito. LJ Pasion

Kasalan ng mga sangkot sa pork barrel scam. Kasama ang Pangulo at alyado niya. Pher Pasion

Kasalan ng mga sangkot sa pork barrel scam. Kasama ang Pangulo at alyado niya. Pher Pasion

Torch march patungong Mendiola. Ilang-Ilang Quijano

Torch march patungong Mendiola. Ilang-Ilang Quijano

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=29899

Pinoy Weekly Posted by on Jun 14 2014. Filed under Istorya ng Linggo, Pambansang Isyu, Photo Gallery, Top Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Mga Larawan | EDCA at pork barrel, patunay ng ‘kawalan ng kalayaan’ sa ilalim ni Aquino”

1. […] saw it as his own contribution to a growing mass movement calling for genuine reforms. Massive anti-pork barrel protests set off that very day with 10,000 taking to the streets of the national capital Manila and […]

Leave a Reply

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes