Kabataan

Pagtanggal ng wikang Filipino sa kurikulum ng CHED, binatikos ng mga guro, kabataan


Dala ang mga isdang sumisimbolo sa pagiging malansa umano sa mga di-nagmamahal sa sariling wika, nagprotesta ang mga guro at mag-aaral sa harapan ng Commission on Higher Education (CHED) laban sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo. Pinangunahan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at League of Filipino Students (LFS) ang nasabing pagkilos […]

Malansang isda kung ilarawan ng mga guro at mag-aaral ang Commission on Higher Education at gobyernong Aquino sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa pagtuturo.Pher Pasion
Malansang isda kung ilarawan ng mga guro at mag-aaral ang Commission on Higher Education at gobyernong Aquino sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa pagtuturo.<strong>Pher Pasion</strong>
Malansang isda kung ilarawan ng mga guro at mag-aaral ang Commission on Higher Education at gobyernong Aquino sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa pagtuturo.Pher Pasion

Dala ang mga isdang sumisimbolo sa pagiging malansa umano sa mga di-nagmamahal sa sariling wika, nagprotesta ang mga guro at mag-aaral sa harapan ng Commission on Higher Education (CHED) laban sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo.

Pinangunahan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at League of Filipino Students (LFS) ang nasabing pagkilos na may maskara ni Jose Rizal. Tinutulan ng mga ito ang inilabas na Memoramdum No. 20 series of 2013 ng Ched na ginagawang opsyon na lamang ang pagtuturo ng Wikang Filipino sa kolehiyo.

“Ang CHED at si (Pangulong) Noynoy mismo ang nangangamoy malansan isda sa kanilang ginawang opsiyon na lamang na ituro ang Wikang Filipno at opsiyon para gawing midyum sa pagtuturo,” ayon kay France Castro, pangkalahatang kalihim ng ACT.

Kaugnay ng K to 12

Pero para sa ACT, magkaugnay ang pagtatanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo at ang implementasyon ng K to 12 na ipinatupad ng administrasyong Aquino.

“Bahagi lang ito ng polisiya na plano ng pamahalaan na pagiging kolonyal. Kolonyal talaga ang ating edukasyon. Mismong ating Filipino bilang ating wika ay ibinabasura ng CHED. Ito ang pagpapakita nang hindi pagmamahal ng Ched sa wika natin,” ayon kay Castro.

Dadag pa ni Castro, sa pagpapatupad pa lamang ng K to 12 noong 2011, ipinakikita na ng gobyerno ang pagiging kolonyal nito sa pagpapatupad ng programang ito kahit na hindi handa ang gobyerno. Kabahagi ang CHED Memo No. 20 ang K to 12 na naglilingkod lamang sa pangangailangan ng malalaking negosyante at dayuhan.

Ayon kay Ruby Ann Bernado, guro ng Filipino sa Sta. Lucia High School, matapos ang ilang taong implementasyon ng K to 12, hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga modules sa pagtuturo nito. Nananatiling kulang ang mga  guro at iba pang rekisitos para sa programang ito.

“Isa sa hindi nakita ng CHED noong nagtatalakay ng K to 12, ang nakikita natin ngayon na malawakang tanggalan ng mga guro sa private at state universities and colleges,” sinabi pa ni Castro.

Tinatayang nasa mahigit kumulang 100,000 na mga propesor sa kolehiyo sa buong bansa ang pinapangambahang mawawalan ng trabaho pagdating ng 2016 sa kabuuang implementasyon ng K to 12.

Pagtutol ng mga mag-aaral sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa kolehiyo.<strong>Pher Pasion</strong>
Pagtutol ng mga mag-aaral sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa kolehiyo.Pher Pasion

“Ito ay isa lamang sa mga negatibong dala ng K to 12 at matagal na naming sinasabi na hindi ito solusyon upang matugunan ang mga suliranin ng edukasyon sa bansa,” ani Castro.

Dagdag pa ni Castro, mula nang maipatupad ang K to 12, lumala ang sitwasyon ng edukasyon lalo na ang publikong edukasyon sa bansa. Kailangan umanong maglaan ang gobyerno ng malinaw at makataong solusyon sa problema na nagsisiguro sa karapatan ng mga guro.

Atake sa mga mamamayan

Pag-atake naman umano sa ating potensiyal para sa pambansang kaunlaran ang pagtatanggal ng Wikang Filipino, sabi ni Charlotte Velasco, tagapagsalita ng LFS.

“Imbes na magsayang ng oras at pondo sa pagpapalit ng kurikulum sa edukasyon para lamang matugunan ang pangangailangan ng mga malalaking negosyo ng dayuhan, dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang pagpapaunlad ng kalidad at abot-kayang edukasyon na may kakayahang lumikha ng pambansang industriya at ekonomiyang nakakatindig sa sarili,” ayon kay Velasco.

Ayon naman kay Wilmor Pacay III, isang guro sa kolehiyo sa pribadong pamantasan, may diskriminasyon na noon pa man sa Wikang Filipino at Wikang Ingles, ngayon tahasan nang tinanggal ang Wikang Filipino.

“Karapatan ng mga mamamayan na matutunan ang Wikang Filipno at obligasyon ng gobyerno na ituro ito sa mga mamamayan. Pero ginawa itong krimen ng CHED sa inilabas nitong memo,” sabi pa ni Pacay.

Ayon sa LFS, nag-uugat umano ang polisiyang ito sa walang kupas na dedikasyon ni (Noynoy) Aquino na paglingkuran ang pangangailangan at kagustuhan ng amo nitong Estados Unidos.

“Sadyang walang hiyang nararamdaman ang gobyernong ito sa paglapastangan ng ating soberanya at pagkakakilanlan bilang mamamayan,” ayon kay Velasco.