‘Di pantay na relasyon’ ng gobyernong Amerika, Pilipinas kinondena
Tinangkang makalapit sa Embahada ng Estados Unidos (US) ang iba’t ibang grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para salubungin ng protesta ang ika-68 taon ng Philippine-American Friendship Day. Pero pinagpapalo at pinagtutulak sila ng mga pulis para pigilan. Ayon sa Bayan, walang dapat ipagdiwang ang mga Pilipino dahil sa patuloy na pakikialam ng […]
Tinangkang makalapit sa Embahada ng Estados Unidos (US) ang iba’t ibang grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para salubungin ng protesta ang ika-68 taon ng Philippine-American Friendship Day.
Pero pinagpapalo at pinagtutulak sila ng mga pulis para pigilan.
Ayon sa Bayan, walang dapat ipagdiwang ang mga Pilipino dahil sa patuloy na pakikialam ng Amerika sa bansa at pananatili ng tropang Amerikano sa pamamagitan ng mga “makaisang panig na kasunduan” gaya ng RP-US Mutual Defense Treaty, Visiting Forces Agreement, at Mutual Logistics Support Agreement.
Pinakahuli sa mga kasunduang ito ang Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA), na tila minadaling pirmahan sa pagdating noon ni US Pres. Barack Obama sa bansa noong Abril 28.
Inilahad ng mga nagprotesta ang iba’t ibang nagawang krimen ng mga tropang Amerikano sa bansa kabilang ang kaso ng panggagahasa kay “Nicole” noong 2005, pagkakasira ng Tubbataha Reef dahil sa barkong pandigma ng US na sumadsad dito, at iba pa.
Ayon sa grupo, walang tunay na pagkakaibigan ang nangyayari sa pagitan ng Amerika at Pilipinas, kundi pawang makaisang panig na pakinabang ng Estados Unidos para sa sarili nitong interes.
Iba pang larawan: