Manggagawa

Manggagawa ng NXP, muling sumugod sa DOLE


Muling sumugod sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa ng NXP Semiconductors Cabuyao Inc. para ipanawagan na muling ibalik ang 24 na opisyal na tinaggal ng manedsment sa trabaho at ituloy ang kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA). Mula nang tanggalin ang 24 na opisyal noong Mayo 5, hindi pa umano […]

Panawagan ng mga manggagawa ng NXP na itigil ang union-busting na ginagawa umano sa kanila.Pher Pasion
Martsa ng mga manggagawa ng NXP patungong Departmetn of Labor and Employment para panawagan na ibalik ang 24 na tinaggal na opisyal ng unyon.<strong>Pher Pasion</strong>
Martsa ng mga manggagawa ng NXP patungong Departmetn of Labor and Employment para panawagan na ibalik ang 24 na tinaggal na opisyal ng unyon. Pher Pasion

Muling sumugod sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa ng NXP Semiconductors Cabuyao Inc. para ipanawagan na muling ibalik ang 24 na opisyal na tinaggal ng manedsment sa trabaho at ituloy ang kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA).

Mula nang tanggalin ang 24 na opisyal noong Mayo 5, hindi pa umano sila hinaharap ng manedsment at pawang abogado ng huli ang humaharap sa kanila.

Panawagan ng mga manggagawa ng NXP na itigil ang union-busting na ginagawa umano sa kanila.<strong>Pher Pasion</strong>
Panawagan ng mga manggagawa ng NXP na itigil ang union-busting na ginagawa umano sa kanila.Pher Pasion

Ilegal umano ang pagkakatanggal sa kanila dahil ang ginawa nilang welga noong Abril 9, 17, 19, at Mayo 1 ang ginawang dahilan ng pagkakatanggal sa kanila ng manedsment. Pero giit nila, holiday ang mga araw na ito.

“Sinasabi ni Secretary (Rosalinda) Baldos (ng DOLE) na paparusahan niya ang sinumang employer na lalabag sa holiday. Pero bakit ang manggagawa ng NXP tinaggal ang 24 na opisyales dahil hindi pumasok ng holiday,” ayon kay Reden Alcantara, president ng NXP Semiconductors Company Workers’ Union, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Malinaw na union-busting ang ginagawa sa kanila dahil gawa-gawa umano ang kaso sa kanila. Nangyari pa umano ito sa kasagsagan ng CBA na nais baratin ang sahod ng mga manggagawa, ayon kay Alcantara.

Anila, kanilang bibitbitin ang isyung ito hanggang State of the Nation Address ni Aquino dahil isyu umano ng mga manggagawa ay isyu na rin ng mga mamamayan.

“Kung ang gobyernong Aquino ay matapat na naglilingko sa mga mamamayan, bakit tumatagal at sumasahol ang kondisyon ng mga manggagawa at mamamayan sa ilalim ng kanyang administrasyon?” tanong ni Alcantara.