Main Story

VIDEO| Nora Aunor, pinarangalan sa pagiging boses ng kilusang kontra-US Bases

Isang maliit na pagtitipon ang isinagawa ng grupong pangkababaihan na Gabriela sa bilding ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) noong Hulyo 4. Isang porum ang isinagawa, tumatalakay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Kasama ang Gabriela Women’s Party at Peace for Life, ipinaliwanag nina Atty. Evalyn Ursua, Liza Maza at Prop. Judy […]

Ang tinaguriang "Superstar" na si Nora Aunor, kasama ang tanyag at premyadong scriptwriter na si Ricky Lee, matapos ang paggawad ng Gabriela kay Aunor bilang "artista ng bayan" sa kontra-US Bases na pelikulang "Minsa'y Isang Gamugamo". <strong>KR Guda</strong>
Ang tinaguriang “Superstar” na si Nora Aunor, kasama ang tanyag at premyadong scriptwriter na si Ricky Lee, matapos ang paggawad ng Gabriela kay Aunor bilang “artista ng bayan” sa kontra-US Bases na pelikulang “Minsa’y Isang Gamugamo”. KR Guda

Isang maliit na pagtitipon ang isinagawa ng grupong pangkababaihan na Gabriela sa bilding ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) noong Hulyo 4. Isang porum ang isinagawa, tumatalakay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Kasama ang Gabriela Women’s Party at Peace for Life, ipinaliwanag nina Atty. Evalyn Ursua, Liza Maza at Prop. Judy Taguiwalo ang mga implikasyon at inaasahang social costs ng EDCA sa bansa–partikular na ang mga paglabag sa karapatang pantaokarahasan sa kababaihan, at iba pang abuso na kadalasang kadikit ng presensiyang militar ng Amerikano.

Nora Aunor sa "Gamugamo": Makapangyarihang imahe ng paglaban kontra sa US Bases. <strong>KR Guda</strong>
Nora Aunor sa “Gamugamo”: Makapangyarihang imahe ng paglaban kontra sa US Bases. KR Guda

Pero ang highlight ng pagtitipon: Ang pagdating ni Nora Aunor, na sinasabi ng marami na pinakamhusay na aktres ng bansa.

Ginawaran ng Gabriela si Aunor ng pagkilala bilang “artista ng bayan” dahil sa pagganap niya bilang pangunahing karakter sa pelikulang “Minsa’y Isang Gamugamo” (1976). “Gamugamo” ang isa sa iilan lamang na pelikulang Pilipino na lantarang bumabatikos sa base militar ng Amerika sa Pilipinas, mula 1947 hanggang 1991. Dinirehe ng tiyahin ni Pangulong Aquino na Lupita Aquino-Kashiwahara, ang pelikula ay hinggil sa isang karakter (Nora) na naghahangad makarating ng Amerika na sinapitan ng trahedya nang “mapagkamalang baboy” ang kanyang kapatid ng mga sundalong Kano sa nalalapit na base-militar ng Kano sa kanilang lugar.

Makabagbag-damdamin ang pagtanggap ni Aunor ng pagkilala. Maaalalang muling naging kontrobersiyal siya kamakailan dahil sa pagtanggi ni Pangulong Aquino na kilalanin ang tinaguriang “Superstar” ng National Artist Award–ang pinakamataas na pagkilala ng Estado sa mga alagad ng sining sa bansa. Marami ang nagsasabing isang inhustisya ang di-paggawad nito kay Aunor; malinaw na nararapat ang karangalang ito sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa pelikula, gayundin bilang mang-aawit at artista na rin sa teatro.

Halos maluha si Aunor sa pagkilala ng Gabriela. Aniya, natutuwa siyang halos 40 taon matapos unang lumabas ang pelikula, makabuluhan pa rin ang “Gamugamo”. Sa inaasahang panunumbalik ng base-militar ng Kano sa Pilipinas, nariyan pa rin ang panganib sa mga Pilipino na “mapagkamalang baboy”. Nariyan pa rin ang boses at imahe ni Aunor na naggigiit, galit na nagsasabing:

“My brother is not a pig.”

 

Panoorin ang bidyo ng pagtanggap ni Nora Aunor ng karangalan mula sa Gabriela: