Kababaihan

Relocatees ng Northville, inambag ang boses sa pagpapabitiw kay Abad


Sinugod ng galit na mga relocatee mula sa Caloocan at Valenzuela sa Metro Manila ang tanggapan ng tanggapan ng Deparment of Budget and Management (DBM) kahapon para singilin kung saan napupunta ang pondo ng gobyerno para sa pabahay. “Hirap kaming mapakain ang aming pamilya. Halos hindi kami makabayad sa tubig at kuryente dahil wala namang […]

Inihain ng mga relocatees ng Northville ang isang "Notice of Eviction" para kay DBM Sec. Butch Abad at nilagyan ng malaking padlock ang gate ng DBM upang ipakita ang kanilang disgusto sa DAP lalo pa't ipinagkait sa kanila ang pondo para sa kanilang pabahay.Kontribusyon
Inihain ng relocatees ng Northville ang isang “Notice of Eviction” para kay DBM Sec. Butch Abad at nilagyan ng malaking padlock ang gate ng DBM upang ipakita ang kanilang disgusto sa DAP lalo pa’t ipinagkait sa kanila ang pondo para sa kanilang pabahay. Kontribusyon

Sinugod ng galit na mga relocatee mula sa Caloocan at Valenzuela sa Metro Manila ang tanggapan ng tanggapan ng Deparment of Budget and Management (DBM) kahapon para singilin kung saan napupunta ang pondo ng gobyerno para sa pabahay.

“Hirap kaming mapakain ang aming pamilya. Halos hindi kami makabayad sa tubig at kuryente dahil wala namang trabaho o regular na mapagkakakitaan sa lugar na pinagtapunan sa amin. Naturingan nga kaming relocatees na dapat ay may tiyak nang paninirahan pero lagi pa rin kaming may takot na mapaalis sa aming tahanan,” hinaing ni Melinda Relos, isang residente ng Northville 1A sa Valenzuela.

Isa si Melinda Relos sa mg nagrereklamong residente mula sa Northville. Kontribusyon
Isa si Melinda Relos sa mg nagrereklamong residente mula sa Northville. Kontribusyon

Kalakhan ng mga residente sa mga itinayong Northville na matatagpuan sa Caloocan, Valenzuela at Bulacan ay dating mga residente sa komunidad na dinemolis malapit sa lumang riles para bigyan-daan ang proyektong 80.2 kilometrong North Rail Project mula sa Tutuban hanggang Malolos, Bulacan.

May kahalintulad din ang proyekto sa katimugang bahagi ng Metro Manila: ang South Luzon  na hanggang sa Calamba, Laguna.

Sa halip na libreng pabahay para sa mga dinemolis na mga residente sa tabing-riles, pinagbabayad daw sila ng National Housing Authority (NHA) na tumataas nang 6 porsiyento kada taon.

Paliwanag ni Relos, nagsimula silang magbayad ng P200 kada buwan noong 2006 hanggang 2011, at simula naman noong 2012, umabot sa P350 na ang kanilang ibinabayad na tatagal hanggang sa 2017.

“Nininegosyo ng gobyerno ang pabahay para sa aming mahihirap gayong may pera naman pala ito na puwedeng ilaan sa serbisyong pabahay kung gugustuhin lang nila,”   ani Relos, patungkol sa daan-daang bilyon na pondong napunta sa Disbursement Acceleration Program o DAP ni Pangulong Aquino.

Dagdag pa niya, hindi rin naibigay sa kanila ang pangakong P25,000 na tulong pangkabuhayan na ipinangako sa kanila noong idemolis sila sa tabing riles.

Nanawagan nila na magbitiw na lamang si DBM Sec. Florencio Abad gayunndin si Pangulong Aquino dahil sa kawalang pagmamalasakit sa mga mahihirap. “Kung hindi nyo rin lang mabibigyan ng pondo ang serbisyong pabahay para sa aming mahihirap na winawalis ninyo na parang basura at itatapon sa malalayong lugar, umalis na kayo sa puwesto,” ani Relos.