Kabataan

Kabataan, nakakasa sa ‘Days Of Rage’ para pababain sa puwesto si Aquino


Malawakang pagliban sa klase at protesta ang panawagan ng progresibong mga grupo ng kabataan sa mga susunod na mga araw. Ang mensaheng nais iparating nila: “Hustisya, pananagutan at pagbabago” sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police, 18 kasapi ng Moro Islamic Liberation Front, at di-bababa sa […]

Muling nagsunog ng watawat ng Estados Unidos (US) ang iba't ibang grupo ng kabataan sa harap ng embahada ng US para iprotesta ang pakikisangkot ng gobyerno nito sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano. Kontribusyon
Muling nagsunog ng watawat ng Estados Unidos (US) ang iba't ibang grupo ng kabataan sa harap ng embahada ng US para iprotesta ang pakikisangkot ng gobyerno nito sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano. <b>Kontribusyon</b>
Muling nagsunog ng watawat ng Estados Unidos (US) ang iba’t ibang grupo ng kabataan sa harap ng embahada ng US para iprotesta ang pakikisangkot ng gobyerno nito sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano. Kontribusyon

Malawakang pagliban sa klase at protesta ang panawagan ng progresibong mga grupo ng kabataan sa mga susunod na mga araw.

Ang mensaheng nais iparating nila: “Hustisya, pananagutan at pagbabago” sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police, 18 kasapi ng Moro Islamic Liberation Front, at di-bababa sa dalawang sibilyan.

Sinabi ng mga grupo na dahil sa kanyang pananagutan sa madugong insidente, dapat nang magbitiw sa puwesto si Pangulong Aquino.

Pamumunuan ng Youth Act Now, alyansa ng higit 100 grupo ng kabataan, ang serye ng mga pagkilos.

Kasapi sa naturang alyansa  ang National Union of Students of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines, Office of the Student Regent ng University of the Philippines System, Polytechnic University of the Philippines System Student Council at Student Regent nito, at mga konseho ng mag-aaral mula sa Philippine Normal University, University of Santo Tomas, University of the East, at San Beda College.

Lalahok din ang iba pang grupo ng kabataan sa pangunguna ng Anakbayan, League of Filipino Students, Student Christian Movement of the Philippines, at Kabataang Artista Para sa Tunay na Kalayaan.

Sa kanilang unity statement, isinalarawan nilang “failure of leadership,” ang nangyari sa Mamasapano, gayundin sa iba pang krisis na dinaanan ng bansa noong nakaraan.

Binanggit nila ang ilan pang kapabayaan at kamalian ng administrasyong Aquino tulad ng palpak na relief and rehabilitation efforts para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, ang pagsisi nito sa nakaraang administrasyon sa pagtaas ng kahirapan sa bansa, at paglaganap ng korupsiyon partikular ang pagpapatupad ng ilegal na Disbursement Acceleration Program.

Sinabi naman ni Vencer Crisosotomo, tagapangulo ng Anakbayan, na panahon na para kumilos at ipakita ng kabataan ang pinagsanib na lakas upang matapos ang paghahari ng impunity sa bansa sa pamamagitan ng pagpapanagot kay Aquino.

“Hindi na natin dapat hayaan pang may mangyari pang kamatayan sa ilalim ng korap, papet at kontra-mamamayan na gobyerno,” sabi niya.

Diin ni Crisostomo, ang panawagan ng patuloy at papalakas na pagkilos upang aniya’y “mailantad ang US-Aquino cover-up sa insidente sa Mamasapano, hanggang tuluyang hiyain ang kasalukuyang gobyerno na magbitiw at itulak ang tunay na pagbabagong pansistema.”

Panawagan niya kasama ng mga grupong kabataan ang “transition council” upang mamili ng susunod na mamumuno sa senaryo na magbibitiw sa pagkapangulo si Pangulong Aquino.

Nauna na silang magsagawa ng kilos protesta nitong Pebrero 17 sa harapan ng embahada ng Estados Unidos. Isang bandila ng US ang kanilang sinunog, simbolo ng protesta nila laban sa pagkakasangkot ng gobyerno ng US sa insidente sa Mamasapano.

Nagsagawa rin ng candle-lighting ceremony ang YAN para sa patuloy na paghingi ng katotohanan at pananagutan sa nangyari sa Mamasapano.

Dugtong pa ni Crisostomo na nakakasa ang serye ng campus walk-outs, noise barrage activities at mass demonstrations sa Biyernes, Pebrero 20.

Panawagan pa ng mga kabataang grupo ang isang “human chain” sa Pebrero 25, araw ng paggunita ng Edsa Revolution 1, habang ikinasa rin nila ang pambansang araw na tinaguriang “Day of Rage” at martsa tungong Mendiola naman ang isasagawa sa Pebrero 27.