Pinoy Weekly
Category archives for: Balita

‘P15 dagdag-sahod, ni hindi papasa bilang limos’

Pinababasura ng mga manggagawa ang Wage Rationalization Law na ginagamit umano ng malalaking kapitalista at gobyerno para manatiling mababa ang sahod nila. Kontribusyon

Binatikos ng alyansa ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor na All Workers’ Unity ang regional wage board ng National Capital Region (NCR) na nag-apruba ng P15 dagdag-sahod. Anila, ni hindi papasa bilang “abuloy” ang naturang halaga. Matagal nang hirap ang mga manggagawa na pagkasyahin ang mababang sahod sa tumataas na gastusin, kabilang ang tumataas […]

Ika-284 kaarawan ni Gabriela Silang, ginunita ng kababaihan

Nag-alay ng bulaklak ang grupong Gabriela sa monumento ni Gabriela Silang sa paggunita sa ika-284 kaarawan ng nasabing bayani. Pher Pasion

Ginunita ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang ika-284 na kaarawan ng bayaning si Gabriela Silang sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento nito sa Makati City ngayong Marso 19. Ayon sa grupo, napakahalagang ipaalala sa kababaihan ang buhay at pakikibaka ni Gabriela Silang. “Sa panahong ngayon, dapat tayong patuloy na maging mapagmahal sa ating […]

Pananakit sa miyembro ng KMP kinondena, tunay na reporma sa lupa iginiit

Rafael Mariano PW file photo

Kinondena ng Anakpawis Party-list ang pananakit ng isang legislative security guard ng Kamara sa isa nilang miyembro matapos ang protesta ng grupo kontra sa anila’y bogus na batas para sa reporma sa lupa. “Bali ang buto sa ilong ni Gary Constantino, kailangang operahan,” sabi sa text message sa Pinoy Weekly ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap. Plano ng kanilang […]

Nora Aunor: Aquino, pinakamasahol na presidente sa mga OFW

PW-flor-at-20-nora-aunor-featured

“Hindi na natin kailangan pa ang maraming biktima ng pangangalakal, pang-aalipin at pagsasamantala. Hindi na natin kailangan ng mga pamilyang naulila’t nagdurusa para sabihin sa ating mga sarili: ‘Tama na, sobra na! Noynoy, resign na!’ Ito ang madagundong na sinabi ng maalamat na aktres na si Nora Aunor, sa kanyang talumpati sa Mendiola Bridge, Manila, […]

‘Pagpapabaya’ ni Aquino sa edukasyon, binatikos sa ‘blackout protest’ ng kabataan

Protesta sa UP Diliman. Darius Galang

Nagprotesta ang mga estudyante sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa kontra sa lumalaking singilin sa mga eskuwelahan nitong Marso 13. Ginanap ito sa ikalawang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Kristel Tejada, mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Maynila na nagpakamatay noong 2013 matapos hindi mabayaran ang matrikula sa pamantasan. Nilayon ng “Blackout Protest […]

Int’l People’s Tribunal to try Aquino, Obama for crimes vs Filipino people

PW-IPT-public-launch-featured

An international tribunal will try cases of human rights violations perpetrated by Philippine President Aquino, as well as United States (US) Pres. Barack Obama, in Washington D.C. on July this year. The International People’s Tribunal, initiated by non-government organizations, human rights groups and solidarity groups in the Philippines and the United States, was launched today in […]

Isa na namang OFW, binitay sa Saudi

Mapa ng Saudi Arabia. Mula sa Google Maps

Nagpahayag ng pakikiramay at simpatya ang Migrante International sa pamilya ni Joven Esteva, isang overseas Filipino worker (OFW) na binitay ng gobyerno ng Saudi Arabia sa kasong murder. Si Esteva ang ika-pitong OFW na nasa death row na binitay sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Aquino. Pinakamarami ito sa isang rehimen mula ng ipinatupad sa […]

Migrante, dinala ang panawang pagbaba sa puwesto ni Aquino sa tarangkahan ng Malakanyang

Panawagan ng Migrante na patalsikin o magbitiw sa puwesto si Noynoy Aquino. Pher Pasion

Naglunsad ng isang lightning rally ang mga miyembro ng Migrante International sa Gate 7 ng Malakanyang sa Maynila para ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino sa puwesto. Kaugnay ito sa sunud-sunod na pag-atake sa mga migranteng Pilipino na pinababayaan umano ng administrasyong Aquino. Pinakahuli ang pagbitay sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia. Kasabay din nito ang […]

‘Edukasyong ginagawang negosyo,’ muling kumitil ng buhay ng kabataan

PW-rosanna-sanfuego-featured

Ang 16-anyos na si Rosanna Sanfuego ang pinakahuling biktima ng komersalisayon sa edukasyon. Ito ang sabi ng iba’t ibang grupo ng kabataan matapos kitilin ni Rosanna ang sariling buhay noong Pebrero 25. Matapos ito ng pag-text niya sa kapatid na lalaki na hindi siya nakapagbayad ng mga bayarin sa Cagayan State University (CSU) sa Tugegarao […]

Kababaihan giniit ang pagbaba sa puwesto ni Aquino, nanawagan ng ‘transition council’

Nanawagan ang mga bumubuo ng Women for Aquino's Resignation para agarang pagbibitiw ni Noynoy Aquino dahil sa sunud-sunod na kapalpakan ng rehimen. Pher Pasion

Nanawagan ang iba’t ibang kababaihan sa ilalim ng Women for Aquino’s Resignation Now (Warn!) na agarang pagbibitiw ni Noynoy Aquino sa pagkapresidente dahil sa mga kapalpakan nito at wala nang moralidad para mamuno sa bansa. Kaugnay ito ng pinakahuling kapalpakan ni Aquino sa nangyari sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Philippine National […]

Follow and Subscribe

Features

Multimedia

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes