
Kasabay ng pagpapatuloy ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona sa Senado, nagpiket ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa harapan ng Korte Suprema para ipanawagang manindigan ang mga mahistrado ng Korte suprema ang kanilang naunang desisyon na ipamahagi na ang lupa sa mga magsasaka. (Macky Macaspac)
Jan 25 2012 | Posted in
Balita,
Magsasaka |
Read More »

Sila na ngang nagmamaksimisa at nagpapayaman sa lupa, sila pa itong binabantaan ng DOJ Tarlac ng pag-aresto dahil sa pagbubungkal ng lupain sa Hacienda Luisita na inaangkin ng bangkong RCBC
Jan 15 2012 | Posted in
Lathalain,
Magsasaka |
Read More »

Sa gitna ng nalalapit na impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, hinamon ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang punong hukom na panindigan ang utos ng Korte Suprema na ipamahagi na ang asyenda ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Ayon sa Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala) at Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL), kinokonsulta [...]
Jan 9 2012 | Posted in
Balita |
Read More »

Tulad ng unang naibalita: Sa botong 14-0, inuutos ng Korte Suprema ang pamamahagi ng lupain ng Hacienda Luisita sa 6,296 manggagawang bukid dito.

Hiniling ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na agarang ilabas ng Korte Suprema ang nabalitang desisyon nito kaugnay ng pamamahagi ng lupain ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka o dating manggagawang agrikultural ng asyenda.

Pitong taon matapos ang tinaguriang Hacienda Luisita massacre, wala pa ring hustisyang nakakamit ang pagkamatay ng pitong manggagawang-bukid nang buwagin ng pinagsamang puwersa ng militar at pulis ang kanilang welga noong Nobyembre 16, 2004.

Pangangamkam sa lupaing agrikultural. Kumbersiyon sa lupa. Kawalan ng repormang agraryo. Ngayon naman, pagrepaso sa Saligang Batas. Ito lamang ang ilan sa sunud-sunod na mga atake ng administrasyong Aquino sa karapatan at kapakanan ng mga magsasakang Pilipino.
Dalawang taon na ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms. Pero gaya ng makikita sa kaso ng Hacienda Luisita, hindi batas na ito, kundi sama-samang pagkilos at pagbubungkal ang magsisiguro na mapapasakanila ang lupa.
Aug 13 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »

Maikling bidyo ng isinagawang interfaith rally ng mga grupong pangsimbahan at militanteng mga organisasyon para ipanawagan ang libreng pamamahagi ng lupa ng Hacienda Luisita sa Tarlac sa mga manggagawang bukid na legal na may-ari ng lupain ng asyenda.
Patuloy ang paggiit ng mga manggagawang bukid sa kanilang karapatan sa lupain ng asyenda. Ang pinakahuling hakbang: pagbubungkal at pagtanim sa lupang binakuran ng isang bangko na di-makatarungang pinagbentahan ng pamilyang Cojuangco-Aquino.