Kabataan

This tag is associated with 1 posts

Video: Walkout ng mga estudyante laban sa Con-Ass

Noong Hulyo 10, nag-walkout ang mga estudyante mula sa kani-kanilang mga klase para ipahayag ang pagtutol sa Constituent Assembly at sa darating na State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo. Heto ang video ng walkout na isinagawa ng mga estudyante ng University of the Philippines Diliman. Matapos ang walkout, nagtungo sa Mendiola ang daan-daang [...]

Alyansa ng kabataan kontra Cha-Cha, inilunsad

Inilunsad ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) at iba pang grupong pangkabataan ang isang alyansa  laban sa House Resolution 1109 at iba pang hakbang ni Pangulong Arroyo na amyendahan ang Konstitusyong 1987 bago ang halalan sa 2010.
Sa isang press conference noong Hunyo 18, nangako ang Kabataan Kontra Cha-Cha na labanan ang Charter [...]

Balita: Signature campaign para labanan ang Con-Ass, inilunsad ng Kabataan

Basahin ang kaugnay na istorya:
Alyansa ng kabataan kontra Cha-Cha, inilunsad

Pulong ng grupong party-list sa Cagayan sinalakay

Isang pulong ng mga grupo ng party-list na kinabibilangan ng Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela, at Kabataan ang sinalakay ng pinaghihinalaang mga elemento ng militar sa Cagayan Valley noong madaling-araw ng Hunyo 11.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, tinatayang 30 armadong lalaki na nakaunipormeng militar ang sumalakay at tumangay sa tatlong [...]

Bakit ayaw ng kabataan at bayan sa Charter Change ni Arroyo?

1. Ang Charter Change ay isang taktika ni Gloria Macapagal-Arroyo para makapanatili sa pwesto lagpas pa sa 2010.
Anupamang dahilan at palusot, hindi maiaalis ang motibong “term extension” sa Cha-cha. Batid ng kabataan at ng mamamayan, at maging ng mga kasampakat ni Arroyo, na tanging ang cha-cha ang nalalabing ‘ligal’ na paraan para matakasan ni Arroyo [...]

A(H1N1) panakot sa magpoprotestang kabataan?

Sa gitna ng pagpapaliban ng pasukan sa mga kolehiyo at unibersidad sa susunod na linggo, nanawagan ang iba’t ibang grupong pangkabataan sa mga estudyante na dumalo sa “street classes” o mga klase  sa lansangan bilang protesta sa Charter Change.
Kasabay nito, nangangamba ang mga grupo na posibleng ginagamit ng gobyernong Arroyo ang takot ng publiko sa [...]

Hunyo na’t kumusta ang moratoryo sa pagtaas ng singil sa matrikula?

Sampung porsiyento lamang daw ng mga kolehiyo at unibersidad ang may tuition fee increase, kaya’t inaatupag na lamang ng Ched ang pagtugon sa AH1N1 virus sa darating na pasukan. Pero nagtataasan ang miscellaneous fees at kumakaunti ang mga nakakapag-aral.

Failure of elections, pinangangambahan

Nagbabala ang Kabataan Party-list na maaaring magkaroon ng failure of elections sa gitna ng napipintong pagkabigo ng bidding ng Commission on Elections (Comelec) para sa paghahanda sa automated polls.
“Mawawalan ng panahon ang Comelec na pangasiwaan nang mabuti ang ilang pagsusubok para sa full automation ng halalan. Ang masahol pa, baka mauuwi lamang ito sa malawakang [...]

Rep. Raymond Palatino ng Kabataan

Magmula nang magwagi bilang Tagapangulo ng University Student Council sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 2000, isa na si Raymond “Mong” Palatino sa pinakatanyag na lider-kabataan sa bansa. Noong 2001 Edsa Dos, pinangunahan ni Palatino ang pagmartsa ng libu-libong mga estudyante mula sa kampus ng UP Diliman patungong Edsa Shrine. Matapos nito, pinangunahan [...]

Tatlong progresibo, kabilang sa 32 karagdagang kinatawan ng party-list sa Kamara

PASOK sa Kamara ang tatlong kinatawan ng progresibong mga party-list na Bayan Muna, Anakpawis at Kabataan matapos magdesisyon ang Korte Suprema na pasok ang 32 pang kinatawan ng mga part-list na lumahok noong 2007 halalan.
Pero kasabay nito, pasok din ang ilang kinatawan na tinaguriang “kontra-komunista” at nanguna sa paninira sa progresibong mga party-list. Kabilang dito [...]

Opinyon

Sino ba’ng dapat iboto?

Tungkulin kong magbigay ng opinyon, pero bakit hanggang ngayo’y wala pa akong posisyon? Huwag mo munang itanong kung sino ang nararapat na iboto. Tulad ng marami pang Pilipino, hindi pa po ako desidido.

Read on
Sino ba’ng dapat iboto?
By Danilo Araña Arao in
El Niño
By Rolando B. Tolentino in
Peryodismo at pag-eendorso sa mga kandidato
By Danilo Araña Arao in
Pag-alala sa PP 1017
By Danilo Araña Arao in
Hindi lang numero ang 43
By Danilo Araña Arao in