Pinoy Weekly
Posts tagged as: OFW

Pagbitay sa Pinoy sa Tsina: Migrante ‘sawang sawa’ sa pagpapabaya sa OFWs

PW-featured-pinoy1-drug-mule-execution-china

Sa pagbitay na naman sa isang Pilipino sa Tsina, muling binigyang-liwanag ng Migrante International ang polisiya ng gobyerno na pag-eksport sa lakas-paggawa. Nakiisa rin ang Migrante sa mga kabataan at iba pang sektor na nagkakampo sa Bustillos dahil “sawang-sawa” na sila sa “bulok na sistema.”

Bagong bayani

ped xing

Nakatakdang bitayin sa darating na ika-8 ng Disyembre ang isa na namang Pilipino sa Tsina.  Sinasabing may dalang 1.495 kilograms ng heroin galing Malaysia nang mahuli ito noong September 13, 2008 sa Guilin International Airport. Habang tanging pagkabahala lamang sa lumalaking bilang ng mga nagiging drug mule ang kayang gawin ng gobyerno, nananatili namang kapos [...]

Contemplacion sa Ordinario

Apat na tula para kay Sally Ordinario-Villanueva at sa mga OFWs ni Richard Gappi.

Aksiyon ng gobyerno sa ‘pinakamalalang panahon para sa mga OFW,’ hinahanap

Labing-anim na taon matapos mabitay si Flor Contemplacion sa Singapore, patuloy pa rin ang pagpapabaya at umano’y kataksilan ng gobyerno sa mga Overseas Filipino Worker (OFW), ayon sa Migrante International. “Ang mga nakaraang buwan ay naging mahirap para sa mga OFW at kanilang mga pamilya – nariyan ang mga OFW na nasa death row sa [...]

Kababaihang migrante itinutulak ng gobyerno na mangibang bansa sa kabila ng mga panganib

Sa pagsiwalat sa kalagayan ng mga Pinoy sa Libya at kawalan ng aksiyon ng gobyerno sa aktuwal na repatriation nila, nasisiwalat din ng Gabriela at Migrante ang polisiya ng gobyernong Aquino na nagtutulak sa mga migranteng mangibang bansa sa kabila ng mga panganib.

Pagpapadala ng OFW

Isang migranteng Pilipino sa Dubai, UAE ang nagpapadala ng perang pinaghirapan niya para sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Taun-taon, sinasabi ng gobyerno na remitans ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa. Pero tanong ng OFWs, ano ang ginagawa ng gobyerno para mapabuti ang buhay nila? (Kuha ni Ross Pivena sa Dubai, UAE)

Nabigo ang Multikulturalismo

Natawag ang pansin ko ng balitang ito sa Philippine Daily Inquirer nitong 04 Enero ngayong taon: “’OFWs must be taught ways of hosts’.” Ano na naman kaya ang kailangang ituro sa mga Pilipinong mago-Overseas Filipino Worker para umakma sa “kultura at mga praktika” ng mga bansang pupuntahan nila? Ano na naman kayang problema sa mga Pinoy ang sinisisi ngayon?

Pacquiao, tinawag na ‘kampeon ng OFW’

Hangad ng Migrante International, ang pinakamalaking alyansa ng mga overseas Filipino worker (OFW), ang tagumpay ni Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang nalalapit na laban sa Mexicano-Amerikano na boksingerong si Antonio Margarito. “Para sa mga OFW, si Pacquiao ay hindi lamang ‘People’s Champ’ kundi kampeon ng karapatan at kagalingan ng mga OFW,” sabi ni Gina Esguerra, [...]

HonorExcellenceWinnieMonsod

Mamuhay nang marangal, hindi lang nang mahusay. Manatili sa Pilipinas, huwag mangibang-bansa. Maging bahagi ng solusyon, hindi ng problema. Ito ang mensahe ng huling lektura ngayong semestre ni Prop. Solita “Mareng Winnie” Monsod, ng School of Economics ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, sa kanyang mga estudyante. Laman ito ng video na kinuha ng isang estudyante, inilagay sa YouTube, at malaganap na ngayon. Bilang pansemestreng ritwal, nagtatapos si Monsod – tulad ng mga talumpati at polyeto ng mga aktibista – sa panawagan ng pagkilos sa kanyang mga estudyante.

Kapalpakan ng gobyernong Aquino, pinagbabayaran ng Pilipino

Nagngingitngit ang mga mamamayan ng Hong Kong sa kapalpakan ng gobyernong Aquino na mapayapang resolbahin ang hostage crisis noong Agosto 23. Pinagbubuntunan nila ng galit ang walang-kasalanang mga migranteng Pinoy sa HK.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes