Mga Larawan: Protesta sa Pandaigdigang Araw Laban sa Tortyur noong Hunyo 26


Pinangunahan ng Karapatan, Desaparecidos, Samahan ng mga Ex-Detaines Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya (Selda) at Hustisya ang piket sa harap ng tanggapan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Quezon City noong Hunyo 26, 2009. Idineklara ang araw na iyon bilang Pandaigdigang Araw Laban sa Tortyur. Sa araw ding ito, noong 2006, dinukot […]

Pinangunahan ng Karapatan, Desaparecidos, Samahan ng mga Ex-Detaines Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya (Selda) at Hustisya ang piket sa harap ng tanggapan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Quezon City noong Hunyo 26, 2009. Idineklara ang araw na iyon bilang Pandaigdigang Araw Laban sa Tortyur. Sa araw ding ito, noong 2006, dinukot ng pinaghihinalaang mga militar ang mga estudyante ng UP na sina Sherlyn Cadapan at Karen EmpeƱo sa Bulacan, at ang mga istap ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na sina Prudencio Calubid, Calina Palma, Gloria Soco at Ariel Beloy sa Camarines Norte.

Isinisi ng mga nagprotesta sa kampanyang kontra-insurhensiya sa ilalim ng Oplan Bantay Laya ang sunud-sunod na pamamaslang at pagdukot sa mga pinaghihinalaang aktibista at sumisimpatya sa kanila.

Mga larawan ni KR Guda.

Basahin din ang balita:

https://pinoyweekly.org/new/tortyur-opisyal-na-polisiya-ng-gobyernong-arroyo-karapatan/