Istasyon ng pulis sa Agusan, nireyd ng NPA


Nireyd ng 4th Pulang Bagani Company ng NPA (New People’s Army) ang istasyon ng PNP (Philippine National Police) sa bayan ng Sta. Josefa, Agusan del Sur noong umaga ng Hulyo 1, 2009. Sa pahayag ni “Ka Nadem,” tagapagsalita ng 4th Pulang Bagani Coy, nakakumpiska ang NPA ng tatlong M16 armalite, isang M14, tatlong kalibre .45 […]

Nireyd ng 4th Pulang Bagani Company ng NPA (New People’s Army) ang istasyon ng PNP (Philippine National Police) sa bayan ng Sta. Josefa, Agusan del Sur noong umaga ng Hulyo 1, 2009.

Sa pahayag ni “Ka Nadem,” tagapagsalita ng 4th Pulang Bagani Coy, nakakumpiska ang NPA ng tatlong M16 armalite, isang M14, tatlong kalibre .45 at isang 9mm na pistola.

Tumagal lamang ng 10 minuto ang pagdis-arma sa mga nagulantang na pulis. Wala ring putok na narinig sa naturang pagsalakay.

Sinabi pa ni Ka Nadem na pinatutunayan lamang ng naturang ‘taktikal na opensiba’ na mga armas lamang ang target ng NPA para sa pagpapalakas ng kanilang mga mandirigma. Ipinakikita rin umano nito na walang masasaktan sa mga pulis kapag hindi sila nanlaban dahil sumusunod ang NPA sa International Humanitarian Law kaugnay ng hors de combat.

Sinabi pa ni Nadem na ang opensiba ay parusa sa sandatahang lakas at sa korap na administrasyong Aroyyo, na nagnanais na manatili sa puwesto sa pamamagitan ng Constitutional Assembly o Con-Ass.