BIGWAS SA CON-ASS. Nagpiket ang mga militante mula sa iba't ibang sektora na mga organisasyon sa harap ng Batasan Pambansa isang araw bago ang State of the Nation Address dito ni Pangulong Arroyo. (Jeffrey Ocampo) BANTAY SA BATASAN. Sa overpass malapit sa Batasan Pambansa, nagladlad ng mga tarpaulin ang mga militante mula sa Migrante International, Gabriela Women's Party at iba pa. Gusto nilang balaan si Pangulong Arroyo sa plano niyang baguhin ang Saligang Batas para mangunyapit sa poder. Idineklara ng Migrante International na magsasagawa sila ng "Zero Remittance Day" sa unang araw ng Constituent Assembly. (Jeffrey Ocampo)
Marami sa mga kongresistang kaalyado ng Palasyo na bumoto pabor sa pagbasura sa impeachment complaint ay nagbenepisyo sa mismong Disbursement Acceleration Program (DAP). Ito ang isiniwalat ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), isang araw matapos ideklarang “insufficient in substance” ng House Committee on Justice ang dalawang reklamong impeachment laban sa […]
Nagdaan ang limang buwan, wala pa ring katarungan para sa mga biktima ng bagyong Yolanda dahil sa anila’y “kriminal na kapabayaan” ng administrasyong Aquino. Kaya nitong Abril 8, dinala ng grupong People Surge sa Mendiola, Maynila, sa paanan ng Malakanyang, ang kanilang galit sa “patuloy na pagpapabaya at pang-iinsulto” sa kanila ng administrasyong Aquino na […]