Balita: Pilipinas lumahok sa pandaigdigang aksiyon laban sa climate change

Nagsagawa ng pagkilos ang grupong Philippine Climate Watch Alliance, AGHAM Youth at Kalikasan People's Network for the Environment upang hikayatin ang mga lider ng mayayamang bansa na umaksiyon laban sa climate change, bilang bahagi ng Global Day of Climate Action na isinagawa sa 140 bansa noong Oktubre 24. Sentro ng panawagan ang 350 o 350 parts per million CO2 na ligtas para sa atmospera ng daigdig. Kasalukuyang nasa 390 parts per million ang karbon na nasa atmospera, ayon sa mga siyentipikong pag-aaral. (Angelica Carballo)

Kinukuwestiyon din ng mga grupo ang pagpirma ni Pangulong Arroyo kamakailan ng Republic Act 9729 o Climate Change Act of 2009. Dalawang taon na ang nakakaraan, pinroklama ng panngulo ang kanyang sarili bilang climate czar o tagapangulo ng Presidential Task Force on Climate Change. Pero umano'y hindi nito napaghandaan ang pinakahuling mga sakuna, at hindi pa rin ibinabasura ng gobyerno ang mga patakarang kontra-kalikasan gaya ng pagmimina na nakakapagpalala sa epekto ng climate change. (Angelica Carballo)
Kinukuwestiyon din ng mga grupo ang pagpirma ni Pangulong Arroyo kamakailan ng Republic Act 9729 o Climate Change Act of 2009. Dalawang taon na ang nakakaraan, pinroklama ng pangulo ang kanyang sarili bilang climate czar o tagapangulo ng Presidential Task Force on Climate Change. Pero umano'y hindi nito napaghandaan ang pinakahuling mga sakuna, at hindi pa rin ibinabasura ng gobyerno ang mga patakarang kontra-kalikasan gaya ng pagmimina na nakakapagpalala sa epekto ng climate change. (Angelica Carballo)