Mahigit 100 migrante at migrant rights advocates -- kasama na ang mga migranteng Pilipino -- ang nagmartsa sa kalsada ng Athens, Greece para iprotesta ang ikatlong Global Forum on Migration and Development o GFMD na anila'y lalong magpapatindi sa pangangalakal ng lakas-paggawa ng mahihirap ng mga bansa. Ang mga migranteng nagrali ay bahagi ng ikalawang International Assembly of Migrants and Refugees na ginanap din sa Athens. (Contributed Photo)
Isang makasaysayang tribunal ang naghatol sa Global Forum on Migration and Development (GFMD) ng guilty para sa “modernong pang-aalipin” sa mga migrante ng mundo. Sa International Migrants Tribunal na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas, College of Law mula Nobyembre 28-29, ipinagdiwang ng mga migranteng manggagawa ang pasya ng internasyunal na mga hurado na guilty sa […]