Kumander ng Army, bihag ng NPA sa Mindanao
Inanunsiyo ng rebeldeng New People’s Army na bihag nila ngayon ang isang opisyal ng militar sa Southern Mindanao. Ayon kay “Ka Nadem”, tagapagsalita ng 4th Pulang Bagani Company, Merardo Arce Command ng NPA sa Southern Mindanao, hawak nila ngayon bilang prisoner of war (POW) si Cpl. Dominador Alegre, detachment commander ng 72nd Infantry Battalion ng […]
Inanunsiyo ng rebeldeng New People’s Army na bihag nila ngayon ang isang opisyal ng militar sa Southern Mindanao.
Ayon kay “Ka Nadem”, tagapagsalita ng 4th Pulang Bagani Company,
Merardo Arce Command ng NPA sa Southern Mindanao, hawak nila ngayon bilang prisoner of war (POW) si Cpl. Dominador Alegre, detachment commander ng 72nd Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines at kasalukuyang iniimbestigahan sa posibleng paglabag nito sa karapatang pantao at international humanitarian law.
Nilinaw ng NPA na isang lehitimong hakbang ang pagbihag nila kay Alegre bilang isang rebolusyonaryong armadong puwersa na nakikidigma laban sa gobyerno ng Pilipinas at sandatahang lakas nito.
Tiniyak din ng mga rebelde ang paggalang sa karapatan ni Alegre bilang POW, batay na rin sa kanilang mga batas at disiplina kaya walang dapat ipag-alala ang pamilya ng naturang bihag.
Nanawagan pa ang NPA sa 10th Infantry Division-AFP na huwag ilagay sa panganib ang kaligtasan ni Alegre. Anumang operasyong militar umano na ilulunsad ay maaaring makasagabal sa pag-usad ng imbestigasyon at maaaring makaapekto sa patuloy na pagkabihag ni Alegre.