Larawan: Masaker sa Maguindanao, kinondena ng kabataan at kababaihan


Kinondena ng mga batang mamamahayag na miyembro ng College Editors Guild of the Philippines ang masaker na naganap kahapon sa Maguindanao, kung saan tinatayang 46 ang brutal na pinaslang, kabilang dito ang 12 mamamahayag. Nananawagan ang CEGP ng agarang ustisya para sa mga ginahasa at pinaslang at pagpapapanagot sa gobyernong Arroyo na anila'y sumusuporta sa paniniil sa midya. (Angelica Carballo)
Kinondena ng mga kabataang mamamahayag ng College Editors Guild of the Philippines ang masaker kahapon sa Maguindanao, kung saan tinatayang 46 ang brutal na pinaslang, kabilang dito ang 12 mamamahayag. Sumugod ang CEGP sa Mendiola, Maynila para ipinawagan ang agarang hustisya para sa mga biktima at pagpapapanagot sa gobyernong Arroyo, na anila'y sumusuporta sa paniniil sa midya. (Angelica Carballo)
Sa halip na ipagdiwang, ginunita ng grupong Gabriela ang International Day to Eliminate Violence Against Women sa pamamagitan ng pag-alala sa mga babaing ginahasa at brutal na pinaslang sa Buluan, Maguindanao. Anila'y isa ito sa pinakagrabeng atake sa karapatang pantao ng mga kababaihan. (Angelica Carballo)
Sa halip na ipagdiwang, ginunita ng grupong Gabriela ang International Day to Eliminate Violence Against Women sa pamamagitan ng pag-alala sa 17 babaing brutal na pinaslang sa Buluan, Maguindanao at posibleng ginahasa. Anila'y isa ito sa pinakagrabeng atake sa karapatang pantao ng mga kababaihan. (Angelica Carballo)