Larawan: Tuloy ang protesta sa masaker sa Ampatuan; kabataan sumugod sa Mendiola

Mula sa Espanya, nagmartsa papuntang Mendiola Bridge sa Maynila ngayong araw ang mga grupong pangkabataan para patuloy na iprotesta ang masaker sa Ampatuan, Maguindanao. “Today, we call on the Filipino people to transform their grief into indignation, and show our outrage over the bloodshed brought about by the prevailing system of violence, terror and warlordism,” sabi ni Terry Ridon, tagapangulo ng League of Filipino Students. (Angelica Carballo)

Pinaalala ng mga kabataan na kasabwat ni Pangulong Arroyo ang pamilya Ampatuan sa pandaraya sa halalan noong 2004 at 2007. Isa ang masaker sa Ampatuan noong Nobyembre 23 sa pinakamalalang kaso ng election-related violence o karahasang kaugnay ng halalan sa bansa. (Angelica Carballo)
Pinaalala ng mga kabataan na kasabwat ni Pangulong Arroyo ang pamilya Ampatuan sa pandaraya sa halalan noong 2004 at 2007. Isa ang masaker sa Ampatuan noong Nobyembre 23 sa pinakamalalang kaso ng election-related violence o karahasang kaugnay ng halalan sa bansa. Pinapanagot ng mga kabataan si Arroyo para sa diumano'y "pagkanlong sa mga mamamatay-tao." (Angelica Carballo)