Mga Larawan: Hangga’t walang hustisya, walang ‘daang matuwid’


Nagprotesta ang daan-daang mga mamamahayag, estudyante, at miyembro ng militanteng mga organisasyon para gunitain ang unang anibersaryo ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao na kumitil sa buhay ng 58 katao, 32 rito’y mga mamamahayag.

Nagprotesta ang daan-daang mga mamamahayag, estudyante, at miyembro ng militanteng mga organisasyon para gunitain ang unang anibersaryo ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao na kumitil sa buhay ng 58 katao, 32 rito’y mga mamamahayag.

Nakasuot ng itim na damit at may bitbit na sulo, nagtipon ang mga demonstrador mula Espana Avenue at bago magtakipsilim ay nagmartsa patungong Mendiola Bridge malapit sa Malakanyang.

Ipinoprotesta nila ang anila’y kawalan pa rin ng hustisya para sa mga biktima, isang taon na ang nagaganap.

It was the inevitable and logical consequence of a system of governance that has for so long relied on political expediency, governance that woos the support of political clans by allowing them to amass such wealth and strength as to literally wield the power of life and death over their subjects,” pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines, isa sa mga tagatipon ng November 23 Movement na siyang organisador ng protesta.

Naalarma umano ang NUJP na nananatiling nasa preliminaryong antas pa lamang ang pag-uusig sa mga salarin, pangunahin dito si Unsay Andal Ampatuan Jr., at iba pa pang miyembro at kasamahan ng pamilyang Ampatuan.Nababahala din sila sa pagtanggi umano ni Pang. Benigno Aquino III na buwagin ang private armies, milisyang armado ng gobyerno, at mga angkan ng mga warlord tulad ng mga salarin diumano ng masaker noong nakaraang taon.

“Five months into his presidency, and we can barely keep track of the times he has flip-flopped on human rights and taken media to task for painting a less than rosy image of the country and his administration, ignoring the fact that we merely report, do not create, bad news,” sabi pa ng NUJP.

Binanggit din ng grupo ang naitalang 22 extrajudicial killings at isang pagpatay sa mamamahayag sa ilalim ng bagong administrasyon.

“Mr. President, again we say, your promise of good governance, of daang matuwid, can never happen without justice. Let there be an accounting. Let it be now. For you, too, shall be taken to account,” pagtatapos ng NUJP.

Narito ang mga larawan ng paggunita sa masaker, sa Ampatuan Maguindanao (mga kuha ni Karlos Manlupig):