Si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., pangunahing suspek sa masaker sa 57 katao sa Maguindanao, kasama ang mga pulis na escort niya sa Villamore Airbase patungong Maynila kung saan siya "kusa" umanong sumuko sa imbestigasyon ng mga awtoridad. (Richard Reyes)Si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., nakikipag-usap sa kanyang abogado, sa karsel sa National Bureau of Investigation. Binatikos ng marami ang mga awtoridad sa espesyal umanong pagtrato kay Ampatuan, na hindi man lang nilagyan ng handcuffs tulad ng nakasaad sa reglamento magmula nang sumuko ito sa Shariff Aguak, Maguindanao noong Nob. 26. (Richard Reyes)
Lumabas sa Fact-Finding Mission ng mga mamamahayag ang ilang mahahalagang detalye na nagdidiin sa papel ng militar at pulisya sa masaker, gayundin ang mga kamalian sa imbestigasyon at nakakatakot na implikasyon ng state of emergency sa Maguindanao.
Kilalang malapit na alyado ng Malakanyang ang mga Ampatuan. Katunayan, noong 2004, dineklara ni Ampatuan Sr. ang Maguindanao bilang "Arroyo country", na siyang nagdeliber ng pinakamalaking boto para kay Arroyo. Noong 2007, naulat ng Pinoy Weekly ang balita ng matinding pandaraya diumano sa naturang probinsiya na sinasabing pinangunahan ng mga Ampatuan.