Pasintabi

Vandalismo

Vandalismo Ito ang tugon ng mga estudyante ng PUP at UP.  Sa binabalak na 2000 porsyentong pagtaas ng matrikula sa PUP, aligaga ang administrasyon nito na pagdiinan ang naging rekurso ng mga nagproprotestang estudyante, sinunog ang mga bulok na silya.  Sa UP naman, dahil ayaw bumaba ng presidente nito at ang rehenteng kaka-renew lang ang […]

Vandalismo
Ito ang tugon ng mga estudyante ng PUP at UP.  Sa binabalak na 2000 porsyentong pagtaas ng matrikula sa PUP, aligaga ang administrasyon nito na pagdiinan ang naging rekurso ng mga nagproprotestang estudyante, sinunog ang mga bulok na silya.  Sa UP naman, dahil ayaw bumaba ng presidente nito at ang rehenteng kaka-renew lang ang appointment ng Malacanang gayong boto nang boto kahit temporary lang ang naunang appointment nito, nagpinta ng graffiti ang nagproprotestang estudyante.
Sa “Unang Hirit,” kinapanayam ni Arnold Clavio ang estudyante nang may pasakalye, na galing din siya sa public school at alam niyang limitado ang resources nito, bakit naman nagsunog pa ng silya?  Sa UP, ang administrative staff sa Quezon Hall ay bumulyaw sa estudyanteng nagpipinta ng “Gloria, Roman taksil sa pamantasan!” na wala na ngang pera ang unibersidad ay gagastos pa ito nang paglilinis.
Minsan nang ginipit ang UP Faculty Regent Judy Taguiwalo ng kanyang kahanay na guro sa University Council.  Nang mag-propose ito ng resolusyon hinggil sa karahasan sa mga estudyante dini-disperse sa pagbubukas ng Toyota-GT Center ay nabaligtad ang akusasyon.  Bahagi ng proposal ang pagdawit sa Chancellor ng UP Diliman dahil sa quotation ng mga opisyal ng pulis na ang Chancellor ang nagpatawag sa pulis para protektahan ang venue.
Bakit daw hinuhusgahan ni Taguiwalo at nang iba pang pumirma sa statement ang isang colleague nila?  Ito raw ba ang kultura sa UP, ang magtiwala sa tagalabas at magtiwalag ng tagaloob, na hindi man lang tumawag sa Chancellor para i-verify kung tama nga ba ang pagdadawit sa kanya ng pulisya?
Ang ganitong pangangatwiran ay bahagi ng diskurso ng natitinag na burgesya.  Binabaligtad ang sitwasyon, ginagawang personal sa makauring individualidad at imahinaryong komunidad sa lohika ng pangangatwiran, ang nabiktima ang nagiging mambibiktima.
Hindi kakatwa na si Clavio ay sumipi sa sariling uring pinagmulan, pero iba na ang uring identifikasyon niya ngayon.  Ang staff ay mayroon nang mentalidad ng administrasyon.  At ang faculty sa konseho ay nag-aastang parang di inaapi ng estado kundi ng isang kapwa nila.  Ang alipin ay nag-aastang amo, dinadaot ang kahanay na uri.
At ito ang tunay na karahasan, ayon sa kritikong si Slavoj Zizek.  Ang wika ng panunumbat ay hindi aktwal na tumutugon sa obhetibong karahasan.  Totoong may reaksyon ang mga nagproprotestang estudyante, faculty at kawani ng SUCs (state colleges and universities).  Marahas dahil hindi umaakma sa inaasahang regularisasyon ng pagtanggap:  deadma lamang kundi man mabaon sa limot sa dami ng pinagkakaabalahan, o hayagang pag-aproba.
Ang hindi pagpapalampas sa di makatarungang polisiya at pamamalakad ay historikal na pangyayari.  Makakalampas pero hindi pinalalampas, iginuguhit ang tunggalian, prinoprotesta ang katiwalian.  Mapusok ang damdamin dahil sa mas deadma na mukha ng kapangyarihan:  hindi nakikinig, dinudugyot ang may ayaw.  Mukhang galit si Pangulong Dante Guevarra sa panayam ni Clavio, si Roman naman ay baka may biro pa ngang binibitawan habang tinatalakay ang insidente sa nag-iisang rehenteng nakapasok sa regents room.
Ang obhetibong karahasan ay dulot ng kawalan-konsultasyon at kultura ng impunity nina Guevarra at Roman.  Nilulusot ang nais, pinagpipilitan ang magustuhan, niyuyurakan ang demokratikong proseso sa pamamagitan ng pag-iwas sa mismong mga naitaguyod na proseso, kundi man ang mapanupil na gamit sa retorika ng batas (lalo na kapag nailagay sa kamay ng mga abugado bilang representante ng makauring posisyonalidad kaysa sa paglilingkod sa komunidad) o ito ngang pagbabaligtad ng posisyonalidad.
Malaki ang apila ng indictment sa vandalismo.  Nakasentro ito, kakatwa, sa konsepto ng pribadong pag-aari.  May identifikasyon ang mga naantig ang damdamin na mababang uri sa gitnang uring panuntunan ng pag-aari:  pribado ito (kahit pa estado ang may-ari nito), kaya hindi dapat dinudungisan o sinisira kahit pa sa tindi ng damdaming kaakibat ng mas maigting na karahasan:  ang karahasan mismo nina Guevarra at Roman na yumurak naman sa orihinaryong karapatan ng mga nagproprotesta—ang karapatang makonsulta at mapakinggan.
Ang vandalismo ay tunay na “writing on the wall,” ang napipilitang lumitaw dahil sa ordinaryong pagkakataon ng estadong kapangyarihan ay binubura sa estetika ng normal at walang dungis (o bahid ng dugo) ng institusyon.  Hindi ba’t ang pagtaas ng matrikula ay disenfranchisement ng malaking bilang ng mababang uring mamamayang hindi na makakapasok sa poder ng institusyong ito, at kung gayon, ang posibilidad na makaahon sa historikal na kahirapan?
Kaya ang sinumang nagnanais na maging mukha at representante ng pang-estadong kapangyarihan ay dapat maging handa sa vandalismo.  Bumaba si Chancellor Rey Luis Velasco ng UP Los Banos para hamunin na tapunan siya ng paint bag.  At tinatupan nga siya, at sa ulat sa balita, nanghingi siya ng paumanhin sa publiko sa inasal ng mga estudyante.  Kailangan lang i-google ang pangalan nito at malaman ang mga marami at malalim na akusasyon ng estudyante sa kanyang pamamalakad sa inaakalang kaharian sa paanan ng bundok Makiling.
Hindi na nakakasapat ang protesta lamang, kailangan ng direktang aksyon tungo sa pagpapalitaw ng kontra-diskurso sa estado, lalo na sa mga representante nito sa mga institusyon, espasyo at poder sa pang-araw-araw.  Mabuhay ang mga nagproprotestang estudyante, sa pagkilos na naglalantad ng krisis ng institusyon at estado.  Sa isang saglit, magbibiyahe silang literal at figuratibong nabahiran ng kulay, slogan, abo at labi ng sidhi ng protesta.  Na uuwi sila at babalik kinabukasan na hindi na sigurado sa inaakalang di-matitinag na posisyon.