Pasintabi

2,600 empleyadong sinibak

Hindi na maaring maitatwa pa. Ang administrasyon ni Noynoy Aquino ay tunay na pro-kapitalista. Ang lakas naman ni Lucio Tan, ang may-ari ng Philippine Airlines (PAL). Nabili niya ito sa bargain price, nagkaroon ng exklusibong airport para rito, at ngayon naman ay kinampihan pa ang desisyon ng kanyang management na sibakin ang kanyang 2,600 na empleyado para higit pa itong kumita.

Dancing manggagawa

Ito ang isa sa pinakasukdulang imahen ng paggawa at manggagawa. Ano ang pinagkaiba ng flight attendants ng Cebu Pacific sa entertainers at GROs sa red-light district? Kung pareho lang naman silang sumasayaw para sa kanilang sahod, ginagamit ang katawan para gumiling sa puntong patungo na ang eroplano sa ere, na ang kanilang paggawa ay isa nang segment sa noontime variety show?

Publikong Sining para sa Publikong Interes

Mapagbanta ang unang 100 araw ng bagong halal na presidente: make or break ito, direction-setting sa susunod na mga taon, patikim sa kabuuang termino. Honeymoon period itong tinatawag. Ibig sabihin, huwag gambalain, pag-iwanan muna ng puna, hayaan munang mapirmi, dumanas ng ligaya. Pulot-gata sa Filipino, na pawang mga mitong likido ng malinamnam na panlasa at pakiramdam.

Trahedya ng Hello, Young Lovers

“Hello, young lovers” ang tawag ni Joi sa mga batang magsing-irog. Seryoso, demonstrative, nagmamahal, magtatagal. Marami nito sa paligid, ang dalawang kabataang pinagtagpo ng pagkakataon. Galing sa magkabilang panig ng mundo, at sa isang iglap, taos-pusong nagmamahal.

Tag-ulan sa New Delhi

Hindi ko gaanong gusto ang pagsisimula ng pagmumuni-muni, “When I was in (banggitin ang dayuhang lugar na napuntahan)…” Parang exklusibo ang karanasan, at parang pulpol na pantas na ang nagsasalita (kung hindi ka pa nakapunta roon ay wala kang karapatang kumontra).

Kung magkasabay na pumanaw ang mga kasama

Hindi personal na magkakilala sina Alex at Ka Roda, iniisip ko. Na para ring hindi ko rin naman sila personal na kilala. Nababasa ko ang mga sinusulat ni Alex sa internet, at simula sa aking kabataang aktibismo, kilala ko na ang matikas na pananalita ni Ka Roda.

Pagdalaw sa Morong 43

Magkaibang mundo ang Bicutan na dinanas namin isang hapon ng Sabado. Nang mananghalian kami sa SM, ito ang mundo ng konsumerismo at gitnang uring mamamayan. Sa labas ay mainit at sagaran ang trafiko ng tao at sasakyan. Sa loob ay lahat ng bagay na ipinapatangkilik, sa comfort ng aircon, seguridad at fetisistikong komoditi.

“Bulaklak sa Tubig”

Kung hindi ako nagkakamali, ang makata ng bayan ng Chile—si Pablo Neruda--ang nagsabi ng ganitong alituntunin: kung nais tumula ng pag-ibig, kailangang marunong tumula ukol sa rebolusyon; kung nais gumawa ng rebolusyonaryong tula, kailangang marunong tumula ng pag-ibig.

‘Inception’ at kontrol ng panaginip

Matapos ng halos isang buwan, saka ko lamang napanood ang Inception (2010), ang sci-fi na pelikula ni Christopher Nolan at pinagbidahan ni Leonardo Dicaprio. Boxoffice hit ang pelikula ng ilang linggo, at lahat ng kakilala ko ay pinupuri ang pelikula. Ito ang pressure sa panonood ng pelikula. Kailangang mapanood nang kabilang sa usap-usapan hinggil sa pelikula. Kundi, outsider ang turing, loser at di hip.

Haciendero sa toreng garing

Makailang ulit na akong napadaan sa Hacienda Luisita mula sa bagong superhighway. At totoo namang nakakasindak na ang hacienda ay kinabibilangan ng mall, golf course, special economic zone, mamahaling subdibisyon, at libo-libong hektarya ng tubuhan at asukarera.