Pasintabi

Vandalismo

Vandalismo Ito ang tugon ng mga estudyante ng PUP at UP.  Sa binabalak na 2000 porsyentong pagtaas ng matrikula sa PUP, aligaga ang administrasyon nito na pagdiinan ang naging rekurso ng mga nagproprotestang estudyante, sinunog ang mga bulok na silya.  Sa UP naman, dahil ayaw bumaba ng presidente nito at ang rehenteng kaka-renew lang ang […]

El Niño

Enero pa lang at mainit na. At ang tanging maagang nakikinabang sa el nino ay ang pangulong nagpopolitisa nito.

Salamat po Pangulong Arroyo para sa footbridge na ito

Ito ang higanteng tarpaulin na magkabilaang bumabalandra sa mga dumadaan ng Commonwealth Avenue, patungong Quezon Memorial Circle. “Calling card” kumbaga ni Gloria Arroyo sa paghahanap ng legacy ng kanyang termino. Na kahit ang opisyal sa Quezon City na nagpagawa ng anunyso na bawal ang political propaganda sa mga lansangan nito ay tila nagkikibit-balikat na lamang.

Balikbayan box

Sa airport sa Honolulu, kaiba ang pila sa Philippine Airlines.  Kung sa ibang airlines ay mabilis ang pagproseso ng ticket at boarding pass, mabilis ang pila dahil mabilis ang mga pasehero sa pagbitbit ng kanilang bagahe, sa destinasyong pa-Pilipinas ay hindi. Magkakasinglaking kahon ang bitbit ng maraming pauwi ng Pilipinas.  Naperfekto na ang paraan ng […]

Mall, malling, nagmo-malling…

Isipin na lang natin ang salitang “malling,” na isang partikular na karanasan sa pagtangkilik ng kulturang popular sa Pilipinas. Galing sa salitang “mall,” ang “malling” ay nangangahulugan ng pamamasyal sa loob ng mall, pagpapalipas ng oras, pagwi-window shopping, paggawa ng errands sa espasyo ng mall.

Kung pinapatay ang mabubuting anak ng bayan

Dalawang masigasig na kabataan ang halos magkasabay, bagamat sa ibang lugar, na pinaslang ng mga militar. Si Kimay, estudyante sa Mindanao State University, ay pinaslang ng militar noong Disyembre 2009. Si Nai, estudyante ng UP Los Banos, ay pinatay naman ng militar sa isang engkwentro sa Quezon nitong Enero 2010.

Kultural na produksyon para sa ‘atin’

Nang imbitahan daw ng isang lider aktibista ang kanyang asawa para manood ng isang dulang likha ng kultural na grupo, sinagot nito na “pare-pareho lang naman ang mga iyan.”  At nandito nga ang mga marka ng isang aktibistang pagtatanghal:  taas-kamao, naratibo ng panunupil at pagkakaroon ng politikal na kamulatan, kolektibong pagkilos at ang utopia ng […]

Sa likod ng librong Pagtatagpo sa Kabilang Dulo: Panitikang Testimonial ng Desaparecidos

Mahirap na kalakaran ang maglabas ng libro.  Inaabot ng taon ang pangangalap ng materyales, pag-eedit, at ang mismong paglalathala ng libro.  Madugo ang proseso at maraming luha at pawis ang ibinubuhos para maging nakaimprentang libro ang mga diwang unang pumalaot sa utak lamang. Pero mas mahirap ang proyektong librong inilulunsad natin ngayong hapon.  Iba ang […]

Politikal na persekusyon sa UP

Sa isang makapal na sulat noong Oktubre 28, 2009, ibinaba ni Chancellor Sergio Cao ang desisyon sa apila ng tenure ni Prof. Sarah Raymundo.  Denied.  Sa usaping akademiko, hindi kasing galing ng taga-College of Science na umapila rin at mayroong 23 artikulo sa ISI-indexed journals si Prof. Raymundo. Sa iba pang panuntunan para sa tenure—“professional […]

Emo, New Moon at mga nilalang ng kapital

Kataka-taka ang bigat ng trafik noong Biernes, 20 Nobyembre 2009.  Hindi naman pay day, pero ang daming sasakyan sa SM North at Trinoma.  At kahit pay day pa, hindi naman ganito kabigat ang trafik.  Natuklasan na lang namin ni Sarah na opening day pala ng New Moon, ang franchise na nobela at pelikulang kinahuhumalingan ng […]