Pasintabi

Sityo Buntog

Pinagtaksilan ang Sityo Buntog sa Laguna. Ito ang mismong banggit ng lider, si Tita Iya,ng magsasakang may piket sa tapat ng basketball court, sa bukana ng sityo. Sa katunayan, wala namang gumagamit sa court, na ngayon ay pinagkakalatan ng dumi ng kambing at baka. Parang alkansya ang mga ito, ginagamit lang kapag kailangan ng pambayad sa placement fee sa aalis na kamag-anak, o may malubhang nagkasakit sa pamilya.

Eraserheads, Final Farewell

Pagkatapos ng SONA ng 2010 ay dumalaw kami sa isang bar ng mga kaibigang Ela at Nardy. Dito ko unang nakita ang DVD ng final concert ng Eraserheads. At naiyak ako dahil ang banda ng henerasyon ko ay hindi ko kasabayang tumanda. Kinatandaan ko na. At malinaw na iba na ang landas na tinahak at tinuldukan ng kanilang final concert.

Kailangang matwid na politika para sa matuwid na daan

Isyu ng korapsyon ang tumampok sa unang SONA ni Noynoy Aquino. Maraming nadiskubreng katiwalian ang kanyang bagong kabinete sa iba’t ibang opisina ng pamahalaan. Marami ay midnight decisions, marami ay ng midnight appointees ni Gloria Arroyo.

Ihiwalay mo ang nararamdaman mo sa trabaho

Ito ang utos ng bisor kay Gloria, nang siya ay karaniwang manggagawa sa pabrika ng Advan, ang pagawaan ng rubber shoes at bota. Regular ang dysmenorrheal niya, at kahit masakit ang nararamdaman, kailangang pumasok, magtrabaho at makaabot sa kota. Singkwentang pares ang kota, pero nakakatahi si Gloria at ang maraming manggagawa ng 90 hanggang 100 pares.

Isyung pangkababaihan sa politikal na detensyon

May Facebook campaign na nagso-solicit ng donasyong pangsanggol para kina Judielyn Carina Oliveros na manganganak sa 27 Hulyo 2010, at Mercy Castro sa Oktubre. Ika ng post, “We are calling on everyone who would like to donate toiletries, vitamins, needs of the babies- baby clothes, breast pumps, diapers, blankets, pillows, and cash donations are also welcome.”

Inagurasyon bilang noontime show

Sa dami ng personalidad sa showbiz na sumuporta kay Noynoy Aquino, unang hinudyat ng kanyang MTV na may sulo bilang tanglaw sa kadiliman, ay malakas na senyales kung saan papabor ang popular na sentimiento ng boboto. At hindi nga nagkamali, ang army ng showbiz personalities ay paratihan natunghayan sa kanyang komersyal at kampanya.

Pananaw ng Metro Manila mula sa 17th floor ng gusali

Nagkaroon ng forum ang grupong Pagbabago: People’s Movement for Change na pinamagatang “Hocus-PCOS and Noynoy’s First 100” na nagtangkang magbigay-tasa sa naganap na unang automated elections system na ginamit sa bansa at ang people’s agenda na nilalayong asikasuhin ni Presidente Noynoy Aquino sa kanyang unang 100 na araw.

Kasal sa tag-init

Pinili nilang magpakasal sa pinakamainit na tag-init sa matagal na kasaysayan ng bansa. Ito ang panahong kapapaligo pa lamang, namumutiktik na ng pawis ang katawan habang nagbibihis. At matapos magbihis, parang nakapaligo na naman ang hitsura: basang-basa ang pangangatawan.

Jollibee kiddie party

Kamakailan ay natagpuan ko ang sarili na dalawang beses dumadalo ng kaarawan ng musmos na idinadaos sa Jollibee. Una ay si Ameelia, inaanak kina John at Elyrah, mga kaguro, sa Jollibee Katipunan. Ikalawa, sa ikalawang apo, kay Kayden, mula sa pamangkin na nakabase na sa suburb sa Chicago na nagdaos ng kaarawan sa Jollibee Fort naman.

Hindi magiging mabuti ang kasaysayan

Nabigwasan na ng progresibong kilusan sa Unibersidad ng Pilipinas ang akala ay toreng pinagtitirikan ng kapangyarihan ng empire ni Roman. Mula sa kanyang posisyon, di na lamang alapaap ng sariling kapangyarihan ang natatanaw. Nasira na ang view ng mga graffiti at nagproprotestang komunidad.