Tumungo sa Mendiola Bridge sa Maynila ang iba't ibang grupong progresibo para sa simbolikong "pag-aresto" kay Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, isang araw bago bumaba sa puwesto. Hinahamon nila si President-elect Benigno "Noynoy" Aquino III na parusahan si Arroyo para sa kanyang mga krimen laban sa bayan. (Soliman A. Santos)Nagbihis na pawang mga detenido ang mga demonstrador at saka "inaresto" si Arroyo. (Soliman A. Santos)Sa isang pahayag, sinabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, "Matagal na naming hinihintay ang sandaling ito (na bumaba si Arroyo sa puwesto). Simula bukas, siya na ang pinaka-wanted na kriminal sa bansa." (Soliman A. Santos)Dagdag ni Labog, itinuturo ng kasaysayan na kailangan ang pagbabantay at tuluy-tuloy na pagkilos ng mga mamamayan para masiguro ang pagpapakulong sa isang dating pangulo. (Soliman A. Santos)Sa footbridge, nagsabit ng higanteng mural ang progresibong mga grupo para isalarawan ang panawagang parusahan si Arroyo. Tinitingnan ito ng nagdaraang mga motorista. (Soliman A. Santos)
Kalakaran sa ilalim ni Duterte ang kawalan ng pananagutan, pagabsuwelto – pagbasura ng kaso o pagpapalaya – at pagbibigay ng ispesyal na trato sa mga mandarambong at iba pang mga kriminal mula sa hanay mga mayayaman at maimpluwensiya.
Talumpating hindi nabigkas sa piket sa harap ng National Bureau of Investigation noong umaga ng 12 Agosto. Mga kasama at mga kababayan! May isa pang krimen si dating Major General Jovito Palparan sa sambayanang Pilipino bukod sa napakaraming kaso ng ekstrahudisyal na pagpaslang, pagdukot at iba pang paglabag sa karapatang pantao. At ang krimen na […]
Hindi pa man humuhupa ang mga balita at komentaryo hinggil sa pag-heckle kay Pang. Noynoy Aquino habang nagtatalumpati sa Naga City noong Hunyo 12, nasa balita na ang pag-heckle sa kanya sa Iloilo City ngayong Hunyo 27. Dinahas ang aktibistang si Emmanuel Pio Mijares sa Naga: hinila palayo sa mga tagapakinig, hinablutan ng mga telang banner […]