Sa unang anibersaryo ng pagpasa ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper) noong Agosto 6, nagsagawa ng kilos-protesta ang mga magsasaka dahil sa umano'y kabiguan ng batas sa repormang agraryo. Nagmartsa patungong Mendiola ang mga magsasaka mula sa Timog Katagalugan at Gitnang Luzon. (Macky Macaspac)Isa sa pinakamatingkad na kaso ng kabiguan ng repormang agraryo ang kaso ng Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya Cojuangco-Aquino. Tahasang tinawag nila si Pang. Benigno "Noynoy" Aquino III na "kontra-magsasaka" at kinondena ang militarisasyon sa asyenda. (Ilang-Ilang Quijano)Sinunog ng mga magsasaka ang gawa-gawang kopya ng dokumentong ibinibigay ng manedsment ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka bilang patunay ng kanilang shares of stock sa kompanya. Ginamit umano ang stock distribution option (SDO) para patuloy na makaiwas sa pamamahagi ng lupa. Nananatili ang opsyon ng SDO sa ilalim ng Carper o Republic Act 9700. (Macky Macaspac)Panawagan din ng mga magsasaka ang suporta sa lokal na produksiyon ng palay bilang solusyon sa "krisis sa bigas" bunsod ng sobrang importasyon ng bigas. (Macky Macaspac)Iginigiit din ng mga katutubo ang pagpapalaya ng mga detenidong pulitikal na magsasaka na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan sa lupa at pagbabasura sa mga kontra-magsasakang polisiya gaya ng Mining Act of 1995. (Ilang-Ilang Quijano)
Binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pagpasa sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa Senado, at sinabing desperadong hakbang ito para muling buhayin ang matagal nang patay na reporma sa lupa. Noong Miyerkules, ipinasa sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 2278 ni Sen. Gregorio Honasan. Papayagan ng […]
Hindi alintana ng libu-libong magsasaka ang bagsik ng sikat ng araw sa Kamaynilaan. Naglakbay ang mga magsasaka mula sa iba’-t ibang rehiyon; ilang daang kilometro kalsada ang kanilang tinahak para ipanawagan ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa, sa araw ng pagtatapos ng pekeng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ipinanawagan din ng mga magsasaka […]
Nagkagirian ang mga guwardiya ng Kongreso at ilang nagpoprotestang magsasaka nakapuslit sa loob ng Batasan Pambansa habang nagprotesta naman ang iba’t ibang grupo sa labas. Nanawagan silang tuluyan nang ibasura ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na nasa ika-26 na taon na ngayon, sa halip na bigyan pa ito ng palugit na dalawang taon. Nanawagan […]