Video: Bisperas ng demolisyon
Kung bakit ipinagtatanggol ng mga maralita sa North Triangle ang kanilang karapatan sa paninirahan, laban sa pagtatayo ng umano’y maka-dayuhan at kontra-mamamayang Quezon City Central Business District.

Sa inihandang bidyo ng Pinoy Weekly, ipinapakita kung bakit ipinagtatanggol ng mga maralita sa North Triangle, Quezon City, ang kanilang karapatan sa paninirahan.
Unang araw ngayon, Setyembre 23, 2010, ng sapilitang pagpapalikas ng libu-libong pamilya para bigyang-daan ang Quezon City Central Business District. Sa sama-samang pagkilos, binigo ng mga maralita ang demolition team at kapulisan.