Sports

Bigo man kontra Mongolia, Pinas handa na sa AFC Cup Group Stage


Nabigo man ang Philippine Football team na gapihin ang Mongolia sa Ulan Bator, hindi ito magiging sagabal sa paghakbang ng Azkals sa Group stages ng AFC Challenge Cup. Bigo ang Azkals sa Mongolia, 1-2 sa kanilang ikalawang paghaharap noong Marso 15. Ngunit may kalamangan pa rin ang Pilipinas dahil sa aggregate scoring. Dagdag ang 2-0 […]

Nabigo man ang Philippine Football team na gapihin ang Mongolia sa Ulan Bator, hindi ito magiging sagabal sa paghakbang ng Azkals sa Group stages ng AFC Challenge Cup.

Bigo ang Azkals sa Mongolia, 1-2 sa kanilang ikalawang paghaharap noong Marso 15. Ngunit may kalamangan pa rin ang Pilipinas dahil sa aggregate scoring. Dagdag ang 2-0 na paglalampaso sa unang paghaharap ng dalawang koponan sa Bacolod, angat ang Azkals 3-2 sa kanilang tie.

Sunod na haharapin ng Azkals ang Group A stage ng torneo, na kabibilangan ng Myanmar, Palestine at Palestine.

Ngunit maaaring mawala si Phil Younghusband sa ipapadalang koponan sa torneo. Isa si Phil sa pumuntos noong laban nila kontra sa Mongolia nang ginanap ito sa Bacolod. Ngunit pinaliban siya sa 65th minuto ng ikalawang laro nila kontra sa Mongolia dahil sa hamstring injury. Dadaan siya sa sa MRI scan pagdating sa Maynila upang malaman ang kondisyon ng kanyang natamong pinsala.

Inaasahan naman na ang mas mainit na temperatura sa Myanmar ay mas papabor sa maaaring ikaganda ng kanilang laro kumpara sa loob ng malamig na klima sa Mongolia. Bukod pa, sasama muli ang Fil-British goalkeeper na si Neil Etheridge sa koponan, habang ang Fil-Spanish Angel Aldeguer Guirado at Fil-German William Espinosa Guiridon ay magdadagdag ng bagong strikers sa koponan.

Pinakamataas ang ranking ng Pilipinas sa Group A ng qualifiers ayon sa FIFA. Mayroong ranking na 151 ang Azkals, at haharap sila sa host na Myanmar may ranking na 162, sa Marso 21. Sunod naman ang FIFA rank 174 na Bangladesh sa Marso 23 at Palestine (177) sa Marso 25.

Kakailanganin na masungkit ng mga koponan ang una at ikalawang puwesto ng grupo upang makapasok sa AFC Challenge Cup’s tournament proper sa susunod na taon.