Video: Guwardiya ng NHA, pinaputukan ang mga residente ng North Triangle
Sa bidyo ng Pinoy Weekly, makikita kung paaano pinaputukan ng guwardiya ng National Housing Authority ang mga residente ng Sitio San Roque, North Triangle, Quezon City na patuloy na lumalaban sa demolisyon.
Noong Marso 26, nilusob ng mga residente ng Sitio San Roque, North Triangle, Quezon City ang mga guwardiya ng National Housing Authority (NHA) na nagkampo sa loob ng komunidad. Sa bidyo ng Pinoy Weekly, makikita kung paaano sila pinaputukan ng isang guwardiya. Inireklamo nila ang nasabing guwardiya sa pulisya–ngunit ang walong lider ng September 23 Movement pa ang kinasuhan ng illegal entry at nadetine sa presinto.
Matatandaan ang marahas na tangkang demolisyon sa North Triangle noong Set. 23, 2010, na nilabanan ng mga residente. Nakahanda pa rin ang mga ito laban sa demolisyon dahil nakatakdang magtapos ngayong unang araw ng Abril ang moratorium na naipaglaban noong nakaraang taon.