Video: Maralita ng North Triangle, binato ng putik ang Technohub ni Ayala
Nitong Agosto 12, nagpiket ang mga maralitang residente ng Sitio San Roque, North Triangle, sa harap ng UP-Ayala Technohub sa may Commonwealth Ave., Quezon City. Pinoprotesta nila ang napipinto muling demolisyon sa katapusan ng buwan sa libu-libong residente sa North Triangle, para bigyang-daan ang joint venture sa pagitan ng Ayala Land Inc. at gobyerno, sa […]
Nitong Agosto 12, nagpiket ang mga maralitang residente ng Sitio San Roque, North Triangle, sa harap ng UP-Ayala Technohub sa may Commonwealth Ave., Quezon City. Pinoprotesta nila ang napipinto muling demolisyon sa katapusan ng buwan sa libu-libong residente sa North Triangle, para bigyang-daan ang joint venture sa pagitan ng Ayala Land Inc. at gobyerno, sa ilalim ng itatayong QC Central Business District.
Tinataya ng mga residente na halos kalahati ng mga boluntaryong lumikas sa relocation sites sa Rizal at Bulacan ang bumalik sa komunidad dahil sa kawalan ng kabuhayan doon. Hinihiling nila sa gobyernong Aquino ang moratorium sa demolisyon. Sinuportahan ni Sen. Bong Revilla ang panawagang ito kamakailan.