‘Days of Rage’ buwelta ng kabataan vs kaltas-badyet sa sebisyong panlipunan


Binansagan nila itong “Days of Rage.” Serye ng mga welga, barikada, piket, pag-iingay at paghihikayat ang isinasagawa ng mga organisasyon ng militanteng kabataan mula pa Nob. 24. Ang kanilang isyu: ang nakaambang pag-apruba sa pambansang badyet sa 2011 na may kinaltasang badyet sa serbisyong panlipunan.

Nakiisa si Sen. Alan Peter Cayetano (gitna, nakaputing barong) sa protesta ng Kilos Na at iba pang grupo sa binansagan nitong "railroading" ng Senado sa panukalang badyet ng Malakanyang na kakaltas sa badyet ng mga serbisyong panlipunan. (Photo Courtesy: Kilos Na)
Paghahanda ng militanteng mga estudyante ng UP Diliman para sa 'Days of Rage.' (Darius Galang)
Paghahanda ng militanteng mga estudyante ng UP Diliman para sa 'Days of Rage.' (Darius Galang)

Binansagan nila itong “Days of Rage.”

Serye ng mga welga, barikada, piket, pag-iingay at paghihikayat ang isinasagawa ng mga organisasyon ng militanteng kabataan mula pa Nob. 24. Ang kanilang isyu: ang nakaambang pag-apruba sa pambansang badyet sa 2011 na may kinaltasang badyet sa serbisyong panlipunan.

Sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Manila at Philippine Normal University, nagbarikada ang mga mag-aaral sa kanilang mga eskuwelahan. Sa UP Diliman, tuluy-tuloy na kilos-protesta at panawagan ng walkout sa klase ang isinagawa ng mga mag-aaral, habang patuloy ang diskusyon sa muling pagkaltas ng pambansang badyet  sa serbisyong panlipunan. Pinangunahan ang mga pagkilos ng Kilos Na Laban sa Budget Cuts, alyansa na binubuo ng mahigit 100 organisasyon mula sa iba’t ibang sektor.

Tila nakisabay na rin ang pagtanggal ng ilang susing kurso sa Philippine Maritime Institute sa mga pagkilos na ito.

Ilang beses ring nilusob ng libong mag-aaral ng paaralang pang-marino ang Commission on Higher Education upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa mga kaganapan sa kanilang pamantasan. Maging ang tarangkahan ng kagawaran ay nasira ng mga galit na mag-aaral ng PMI.

Maging ang mga nasa hayskul, gumawa rin ng ingay nang puntahan nila ang Department of Education (DepEd).

“Hindi kami babalik rito kung nakinig si Pangulong Aquino sa aming hiling. Hindi sagot ang K+12!” pahayag ni Robert Amparo, tagapangulo ng the League of Filipino Students (LFS) sa Ramon Magsaysay High School, habang kinalampag nila ang DepED laban sa patuloy na paghahanda sa implementasyon ng K+12 sa susunod na taon.

Simbolo ang bawat pagkilos sa pagtuligsa sa “railroading” o pagmamadali na pagpasa ng pambansang badyet sa Senado, maging ang patuloy na pagtabas ng badyet sa State Universities and College (SUC). Kasama na rin dito pagbawas sa badyet para sa iba pang serbisyong panlipunan.

Nakiisa si Sen. Alan Peter Cayetano (gitna, nakaputing barong) sa protesta ng Kilos Na at iba pang grupo sa binansagan nitong "railroading" ng Senado sa panukalang badyet ng Malakanyang na kakaltas sa badyet ng mga serbisyong panlipunan. (Photo Courtesy: Kilos Na)
Nakiisa si Sen. Alan Peter Cayetano (gitna, nakaputing barong) sa protesta ng Kilos Na at iba pang grupo sa binansagan nitong "railroading" ng Senado sa panukalang badyet ng Malakanyang na kakaltas sa badyet ng mga serbisyong panlipunan. (Photo Courtesy: Kilos Na)

“Kinukondena namin ang Senate railroading ng 2012 budget ni Aquino, na tinabasan ang badyet para sa SUCs at serbisyong panlipunan. Lumalabas ayon sa ilang nasa Senado na wala na ngang malaking pagbabago sa alokasyon para sa SUC, naaprubahan pa ang panukalang pagkaltas. Wala ring mayor na dagdag maging sa badyet para sa kalusugan at iba pang serbisyong panlipunan,” saad ni Vencer Crisostomo, pambansang tagapangulo ng Anakbayan at tagatipon ng Kilos Na.

Batid rin ni Amparo ang kalunus-lunos kalagayan na badyet para sa edukasyon mula sa primarya hanggang sa sa kolehiyo.

“Mabilis na naisiwalat ang mga kasinungalingan ni Aquino. Hindi siya naghahangad ng mabuti para sa kabataang Pilipino. Hindi siya naghahangad ng mabuti para sa bansa. Kung sakali, bibigyan niya ng prayoridad ang edukasyon sa kanyang badyet, ngunit malinbaw na hindi niya ito ginawa,” sabi pa ni Amparo.

Pinasinungalingan pa ni Crisostomo ang mga pahayag ng majority senadors na pinaninindigan ang ipinasa nilang badyet ay “biased for the poor.” Para kay Crisostomo, “ang 2012 budget ay anti-mamamayan at malayung-malayo upang tawaging ‘reform budget”.

Magsasama sa pagkilos sa Nob. 29 ang mga mag-aaral at kabataan, maging ang mga kawani ng mga paaralan, kaguruan at ilang administrador.

Magsasama-sama ang mga grupo sa harapan ng Unibersidad ng Santo Tomas at tutunguhin muli ang Mendiola. Hindi ito ang inaasahang malaking pagkilos ng mga kabataan laban sa badyet.

Matatandaang nagkaroon din sila ng malaking pagkilos noong Setyembre 23, sa mga panahon na inihahanda ang balangkas ng pambansang badyet, na nilahukan ng aabot sa 10,000 katao sa buong bansa.