Maralitang Lungsod

Larawan: Protesta ng kabataan, obrero sa Mendiola vs madugong demolisyon sa Paranaque, dinahas din


Nagprotesta ang militanteng mga grupo tulad ng Anakbayan at Kilusang Mayo Uno (KMU) kanina, Abril 25, sa Mendiola, Manila para kondenahin ang marahas na demolisyon ng kabahayan at tindahan sa Silverio Compound sa Paranaque na ikinamatay ng isa, at ikinasugat ng maraming iba pa

Pero iginiit ng mga maralita ang kanilang karapatang magprotesta sa naturang lugar. (Macky Macaspac)

Nagprotesta ang militanteng mga grupo tulad ng Anakbayan at Kilusang Mayo Uno (KMU) kanina, Abril 25, sa Mendiola, Manila para kondenahin ang marahas na demolisyon ng kabahayan at tindahan sa Silverio Compound sa Paranaque.

Kinalampag nila ang tarangkahan ng “peace arch” na patungong Palasyo ng Malakanyang. Bilang tugon ng administrasyon, binomba ng tubig mula sa firetruck ang mga maralita.

Isa lamang ito sa serye ng mga protesta ng mga grupo ng kabataan, manggagawa, at iba pang mardyinalisadong sektor hanggang Mayo 1, Araw ng Paggawa, para kondenahin ang pandarahas sa Silverio Compound at kawalang-tugon ng administrasyon sa maraming hinaing ng mahihirap.

Narito ang mga larawan ng Pinoy Weekly sa pambobomba ng tubig sa mga maralita sa Mendiola:

Pinagsisipa ng mga maralita ng Kadamay ang gate ng "peace arch" sa Mendiola, Manila para iprotesta ang anila'y polisiya na ng administrasyong Aquino na gumamit ng dahas para itaboy ang mga maralita sa kanilang mga komunidad. (Macky Macaspac)
Pinagsisipa ng militanteng kabataan ng Anakbayan at militanteng obrero ng Kilusang Mayo Uno ang gate ng "peace arch" sa Mendiola, Manila para iprotesta ang anila'y polisiya na ng administrasyong Aquino na gumamit ng dahas para itaboy ang mga maralita sa kanilang mga komunidad. (Macky Macaspac)
Ipinamalas ng mga pulis ang mismong ipinoprotesta ng mga maralita, nang gamitan nila ng water canon ang mga nagraraling miyembro ng Kadamay sa Mendiola. (Macky Macaspac)
Ipinamalas ng mga pulis ang mismong ipinoprotesta ng mga maralita, nang gamitan nila ng water canon ang mga nagrarali sa Mendiola. (Macky Macaspac)
Pero iginiit ng mga maralita ang kanilang karapatang magprotesta sa naturang lugar. (Macky Macaspac)
Pero iginiit ng mga militante ang kanilang karapatang magprotesta sa naturang lugar. (Macky Macaspac)
Ginamit ng isang aktibista ang kanyang bisig at braso para protektahan ang sarili sa tubig na binobomba sa kanila. (Macky Macaspac)
Ginamit ng isang aktibista ang kanyang bisig at braso para protektahan ang sarili sa tubig na binobomba sa kanila. (Macky Macaspac)
Hindi siya nagpatinag sa kabila ng puwersa ng binombang tubig. (Macky Macaspac)
Hindi siya nagpatinag sa kabila ng puwersa ng binombang tubig. (Macky Macaspac)
Nagawa ng isang aktibista na pinturahan ang "peace arch" sa Mendiola ng islogang "Noynoy Berdugo!" (Macky Macaspac)
Nagawa ng isang aktibista na pinturahan ang "peace arch" sa Mendiola ng islogang "Noynoy Berdugo!" (Macky Macaspac)
Katarungan lamang ang hangad nila, para sa mga mamamayan ng Silverio Compound at mga maralitang itinataboy ng gobyerno sa kanilang mga tahanan. (Macky Macaspac)
Katarungan lamang ang hangad nila, para sa mga mamamayan ng Silverio Compound at mga maralitang itinataboy ng gobyerno sa kanilang mga tahanan. (Macky Macaspac)