Notoryus
“Poetry cannot block a bullet or still a sjambok, but it can bear witness to brutality—thereby cultivating a flower in a graveyard.” – Nelson Mandela * * * Sipi ang nasa itaas sa blurb ni Mandela para sa Against Forgetting: Twentieth-Century Poetry of Witness (W. W. Norton & Company, 1993) na ni-edit ng aktibistang makatang […]
“Poetry cannot block a bullet or still a sjambok, but it can bear witness to brutality—thereby cultivating a flower in a graveyard.”
– Nelson Mandela
* * *
Sipi ang nasa itaas sa blurb ni Mandela para sa Against Forgetting: Twentieth-Century Poetry of Witness (W. W. Norton & Company, 1993) na ni-edit ng aktibistang makatang si Carolyn Forché.
Tuwing mababanggit ang nasabing antolohiya ng higit sa 140 makata mula sa 5 kontinente ng Planet Earth, laging kinakaltok ang bungo ko ng mga linya ni Bertolt Brecht:
“In the dark times, will there also be singing?
Yes, there will be singing.
About the dark times.”
* * *
Nitong nakaraang Enero 11, pumanaw ang dating prime minister ng Israel na si Gen. Ariel Sharon.
Sa kanyang libing, inawit ang “Galing Tayo sa Parehong Nayon” (sa akin ang salin) na isinulat ni Naomi Shemer. Tungkol ito sa dalawang sundalong Israeli na napatay noong Yom Kippur War. Parehong subordinates ni Sharon ang dalawa.
Si Shemer ay naging miyembro ng Israeli Defense Force (IDF) kung saan binuo ni Sharon ang Unit 101, isang special forces unit.
* * *
Binasa naman ni Omri Sharon, anak ng heneral, ang salin sa Hebrew ng tulang Educación del Cacique (“Edukasyon ng Isang Datu”, sa akin ang salin) na sinulat ni Pablo Neruda.
Ani Omri, ang tulang nabanggit—isang shopping list ng mga pinagdaanan ni “Lautaro” para maging karapat-dapat na pinuno—ay maaaring ginawa raw ni Neruda para sa kanyang ama. Haler?
* * *
“He drank wild blood on the roads.
He made himself menace, like a sombre god.
He ate from each fire of his people.”
– Education of the Chieftain, Pablo Neruda
(salin ni Anthony Kerrigan)
* * *
Ginunita si Sharon bilang isang marangal na lider. Noong komander pa lang ng IDF, binansagan na siyang “Hari ng Israel” at “Leon ng Diyos”. Tinawag din siyang “the Bulldozer” bilang term of endearment.
Inihambing pa siya kay Mandela na yumao noong Disyembre 2013.
Ang layo ha! Ang kontra-apartheid at dating pangulo ng South Africa ay naging miyembro pa ng komite sentral ng South African Communist Party.
Ang totoo, si Sharon ang nag-utos ng pagbubuldoser sa mga bahay ng mga Palestino noong 1948. Noong 1953, minasaker ng kanyang Unit 101 ang mga Palestino sa Qibya. Siya rin ang namuno sa pambubuldoser sa Gaza Strip at West Bank noong 2005.
Tinawag siyang “Butcher of Beirut” nang itulak niya sa giyera ang Israel kontra Lebanon bilang defense minister noong 1982. Mas ka-level niya ang nagtatago ngayong si Gen. Jovito Palparan na tinaguriang “Butcher of Mindoro”.
* * *
Sabi nga ni Noam Chomsky, swak sa atrocities ni Sharon ‘yung inilalarawan sa tulang In The City of Slaughter ng makabayang makatang Israeli na si Hayim Nahman Bialik.