Sining para sa Supremo
Ika-apat na Eksibisyong Bonifacio handog ng Bonifacio 150 Committee at Linangan ng Kulturang Pilipino Bilang pagpapatuloy sa pagbibigay-kaalaman hinggil kay Gat. Andres Bonifacio at sa paggunita ng ika-150 kaarawan ng pambansang bayani, itinanghal ang ika-apat na Eksibisyong Bonifacio na nilahukan ng 21 pintor kasama sina Arlene de Castro-Anoñuevo at Yolanda De Castro-Cabuco mula sa angkang […]

Ika-apat na Eksibisyong Bonifacio handog ng Bonifacio 150 Committee at Linangan ng Kulturang Pilipino
Bilang pagpapatuloy sa pagbibigay-kaalaman hinggil kay Gat. Andres Bonifacio at sa paggunita ng ika-150 kaarawan ng pambansang bayani, itinanghal ang ika-apat na Eksibisyong Bonifacio na nilahukan ng 21 pintor kasama sina Arlene de Castro-Anoñuevo at Yolanda De Castro-Cabuco mula sa angkang Bonifacio.
Sa Senate Tour sa pakikipagtulungan sa Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (S.E.N.A.D.O.) at ng Office of External Affairs noong Mayo 26-29, 2014, natunghayan ang mga larawan ni Bonifacio bilang pinunong may dalisay na layon hindi lamang para sa sarili kundi para sa buong bayan. Sa inangkin niyang pangalang Maypag-asa noong rebolusyong 1896 laban sa dayuhang pananakop, pinatunayan niya sa kasaysayan ng bansa na ang mithiin ng mamamayang mahigit tatlong-daang taong inapi ay makakamit sa pamamagitan ng pagkakaisa at paninindigan sa pakikibaka.
Mga Larawan mula sa Bonifacio 150 Committee








Kasama sa iba pang likha ang Halik ni Hudas (Ding Royales), Ang Supremo (Naghahanap ng Katarungan) (Bodgie Mopia Puod), Ang Supremo: Senor AB(Dante Palmes), The Supremo (Ed Bascara), Maskara (Paul Alfonso), Alab ng Puso, Dugong Buhay (Alan Malunes), Ang Supremo II (Ed Bascara), Ang Supremo (Ma. Morena Ramos), Supremong Lego (Emmanuel Sia), Ang Supremo: Si B. Bonifacio (Cheril Lopez Gagala) at Supremo (Michael Art de Leon).
Ang mga naunang tour ng eksibisyon ay ginanap sa Bahay Nakpil-Bautista (Tahanan ng mga Katipunero http://bahaynakpil.org), Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at Philippine Normal University Edilberto Dagot Hall sa pakikipagtulungan sa Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN) at Kabagang Art Group.
Upang magkaroon ng Eksibisyong Bonifacio sa inyong komunidad at paaralan, makipag-ugnayan kay Lorena Pacampra <luntiangpaligid@gmail.com>.