Pambansang Isyu

Abad, Aquino pinapanagot ng mga guro sa DAP  


Sumugod ang mga guro sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) para ipanawagan ang agarang paglilitis kina Budget Sec. Florencio Abad at Pangulong Aquino sa paggamit umano ng P177 Bilyong Disbursement Acceleration Program (DAP). Idineklara kamakailan ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ng Pilipinas ang DAP kaya dapat umanong managot ang mga […]

Pher Pasion
Protesta ng mga guro sa harap ng Department of Budget and Management  laban sa Disbursement Acceleration Program.<strong>Pher Pasion</strong>
Protesta ng mga guro sa harap ng Department of Budget and Management laban sa Disbursement Acceleration Program.Pher Pasion

Sumugod ang mga guro sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) para ipanawagan ang agarang paglilitis kina Budget Sec. Florencio Abad at Pangulong Aquino sa paggamit umano ng P177 Bilyong Disbursement Acceleration Program (DAP).

Idineklara kamakailan ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ng Pilipinas ang DAP kaya dapat umanong managot ang mga may pakana na ito na sina Aquino at Abad, ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT).

“Dapat siguruhin ng mga guro at ng sambayanang Pilipino na may managot at magkaroon ng katarungan dito. Walang katanggap-tanggap na dahilan ang mga may pakana dito. Magdusa at parusahan ang lahat ng sangkot,” ayon kay Benjie Valbuena, tagapangulo ng ACT.

<strong>Pher Pasion</strong>
Pher Pasion

Hindi na raw ikinagulat ng ACT na marinig ang ilang senador at kongresista na kaalyado na ipagtanggol ang DAP at si Aquino. Nakinabang naman umano ang mga ito. Mas higit nilang hindi ikagugulat kung harangin ng mga mambabatas na ito ang anumang hakbang para ma-impeach si Aquino.

“Para silang mga linta na nagpapakasasa sa dugo ng mga mamamayan,” ayon kay Valbuena.

Ikinagagalit ng mga guro na pinagkaitan sila umano ng DBM na wala umanong pondo sa edukasyon at para sa dagdag-sahod ng mga guro pero bilyung-bilyong piso ang ilegal na ginagamit sa porma ng pork barrel.

“Naghihirap ang mga mamamayan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at batayang serbisyo pero si Aquino, kanyang mga pamilya, kaibigan, at kaalyado ay nagpapakasasa sa bilyung-bilyong pondo ng publiko,” ayon kay Valbuena.