FEATURED Main Story

Gulay pantanggal umay


Abot-kaya at masarap na recipe para sa mustasa!

Sawa ka na ba sa mahal na karne ng baboy at manok? Kailangan mo ba ng pantanggal umay? Narito ang Burong Mustasa recipe na papawi sa iyong umay, sa presyong abot-kaya. 

Ihanda ang sumusunod na mga sangkap.

  • 1 kilong mustasa
  • 2 ½ litro ng tubig
  • 1 tasang rock salt
  • ½ tasang iodized salt
  • 4 na buong luya

Pamamaraan:

  1. Hugasan maigi ang mustasa. Hiwain ito sa nais na haba at lapad. 
  2. Isalin ang dahon sa malinis at tuyong lagayan. 
  3. Isa-isang lamasin sa rock salt ang bawat dahon ng mustasa. 
  4. Pagkatapos lamasin, pigain maigi para maalis ang katas.
  5. Isalin sa malinis na garapon ang pinigang dahon ng mustasa. 
  6. Lagyan ng tubig ang garapon hanggang sa lumubog ang gulay. 
  7. Ilagay ang iodized salt at hiniwang luya.
  8. Takpan maigi ang garapon. Tiyaking walang makakapasok na hangin. Itabi ito ng dalawa hanggang tatlong araw o higit pa. 
  9. Mas makakabuti kung ilalagay sa refrigerator para hindi agad masira.