Magsasaka

Mamamayan wag nang buwisan – KMP


Umalma ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa mga balak na bago at matataas na buwis na ipapataw sa mamamayan.

Mamamayan huwag nang buwisan

Umalma ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa mga balak na bago at matataas na buwis na ipapataw sa mamamayan.

Isinusog ni finance secretary Carlos Dominguez sa darating na administrasyon ang panibagong tax measures, pagpaliban sa pagpapaliit ng personal income taxes, at palawakin ang value added tax (VAT) upang lumikha ng pambayad sa mga pagkakautang ng bansa sa ilalim ni pangulong Rodrigo Duterte.

Dapat mabuwisan, ayon kay Ramos, ang mga mayayaman upang mapunan ang pagkakautang na ito. “Ang mga inutang ni Duterte dapat singilin sa mga multibilyonaryo gaya ng pamilyang Villar, Razon, Sy, Tan, at iba pa,” aniya.

“Ang hinihingi namin, suspensyon sa buwis sa langis. Bakit dagdag buwis ang gustong ipataw ng Department of Finance at ni Sonny Dominguez?” dugtong ni Ramos.

Binalikan rin ni Ramos ang P203-Bilyon estate tax na hindi pa nababayaran ng mga Marcos sa gobyerno. “Hindi dapat mabura at makalimutan ang P203-billion. Utang ito ng mga Marcos na dapat bayaran sa kaban ng bayan.”

Matagal nang panawagan ng KMP maging ng iba pang mga grupo ang pagsuspinde sa excise tax at VAT sa langis para bumaba ang presyo ng langis na may epekto sa presyo ng gamit sa agrikultura tulad ng pataba.