Talasalitaan

Tala Salitaan 0801 | Panggagahasa o Ginahasa


Panggagahasa o Ginahasa – raped, inabuso, pinagsamantalahan sa pamamagitan ng puwersahan, pananakot, o pag-abuso ng awtoridad, may edad o batang dose anyos pababa ang biktima. Ang terminong panggagahasa ay tinatawag ding sekswal na panghahalay.

Talasalitaan panggagahasa o ginahasa

Panggagahasa o Ginahasa – raped, inabuso, pinagsamantalahan sa pamamagitan ng puwersahan, pananakot, o pag-abuso ng awtoridad, may edad o batang dose anyos pababa ang biktima. Ang terminong panggagahasa ay tinatawag ding sekswal na panghahalay.

Ang mga taong ginahasa ay maaaring malubhang matroma at magdusa mula sa sakit sa pag-iisip bilang karagdagan sa sikolohikal na pinsala. Ang panggagahasa ay maaring maging sanhi rin ng pisikal na pinsala, tulad ng sakit na nakukuha, o pagbubuntis. Higit pa rito, pagkatapos ng panggagahasa, maaaring harapin ng karahasan o pagbabanta ang biktima mula sa nanggahasa.

Tulad ng naganap sa isang dalagita sa Quezon, iligal na kinulong at ginahasa ng mga sundalo ng 59th Infantry Battalion ng Philippine Army. Isinapubliko ng Gabriela Southern Tagalog noong Enero 21 ang kaso ni Belle, 15-anyos na batang babae, biktima ng panggigipit, iligal na detensyon at panggagahasa ng militar.

Dinetalye ni Belle ang pagdukot at iligal na detensyon sa kanya mula Hulyo 27, 2020 hanggang Agosto 13. Aniya, galing lamang siya sa isang tindahan nang harangin ng 59th IB at pinilit isakay sa puting van. Matapos tanggalin ang kanyang piring nakita niyang pitong sundalo ang dumukot sa kanya. Ikinulong sa isang kwarto sa loob ng isang kampo ng sa Quezon.

Habang nasa kustodiya ng militar, paulit-ulit siyang ginahasa ng dalawang suspek. Isa sa kanila ay kinilala niyang si Leoven Julita, isang elemento ng CAFGU.

Matapos ang detensyon sa kampo, dinala at ikinulong siya una sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Lopez, Quezon, pagkatapos ay sa bahay ng isang pulis bago siya pinalaya. Ayon kay Belle, “nagmamakaawa ako sa DSWD na pakawalan ako pero pilit nila akong pinapirma ng pahayag na boluntaryo akong pumunta doon at ayoko nang umuwi. Nakasulat din sa salaysay na NPA ang magulang ko. Labag ito sa aking kalooban.”

Binantaan din siya ng DSWD Lopez na manahimik na lamang kung hindi ay papatayin siya at kanyang pamilya ng mga sundalo. Sinampahan ng kaso ni Belle ang mga sundalo.

Kinondena rin ng International Coalition for Human Rights in the Philippines ang Armed Forces of the Philippines sa panggagahasa at pagpatay sa 3 lumad na sina Willy Rodriguez, Lenie Rivas, at 12 taong gulang na si Angel Rivas.

May naitalang 559 kaso ng paglabag sa kababaihan ang mga elemento ng AFP, PNP at Philippine Navy ayon sa datos ng Department of National Defense. Sa lahat ng kasong ito, 439 na umano ang resolbado pero wala ni sinuman sa mga suspek ang naparusahan.