Talasalitaan 0301 | Smuggling
Smuggling – ang iligal na pagpupuslit ng mga kalakal o pag-aangkat ng mga ipinagbabawal na bagay, sangkap, impormasyon o tao. Ang mga smuggler ay nag-iimport o nag-eexport (mga kalakal) nang lihim, sa paglabag sa batas, lalo na nang walang pagbabayad ng ligal na tungkulin.
Smuggling – ang iligal na pagpupuslit ng mga kalakal o pag-aangkat ng mga ipinagbabawal na bagay, sangkap, impormasyon o tao. Ang mga smuggler ay nag-iimport o nag-eexport (mga kalakal) nang lihim, sa paglabag sa batas, lalo na nang walang pagbabayad ng ligal na tungkulin.
May iba’t ibang motibasyon para magpuslit. Kabilang dito ang paglahok sa iligal na kalakalan, tulad ng kalakaran ng droga, iligal na armas, prostitusyon, agricultural at iba pa.
Tumitiba rin ang mga smuggler ng malaking kita sa pag-iwas sa mga buwis o pataw sa mga imported na produkto. Halimbawa, ang isang smuggler ay maaaring bumili ng maraming agricultural product sa isang bansa na may mababang buwis at ipuslit ang mga ito sa isang bansa tulad ng Pilipinas, kung saan maaaring ibenta ang mga ito sa mas mataas na presyo.
Naiulat kamakailan na ang pagpupuslit ng tone-toneladang agricultural product sa loob ng Pilipinas ay maaaring humantong sa kita na milyon milyong piso ng mga smuggler.
Sa pamamagitan ng smuggling mas lumalaki ang kita ng importer.
Ngayon hinahamon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasalukuyan ding kalihim ng agrikultura, ng mga grupo ng magsasaka ang kanyang administrasyon na palakasin ang batas sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga nasa likod ng agricultural smuggling sa bansa.
Ikinalungkot ng grupo ng magsasaka na Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang patuloy at lumalalang agricultural smuggling sa bansa sa kabila ng pagkakaroon ng batas at anti-smuggling task force na nilikha ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BoC).
“Obligasyon at pananagutan ng kasalukuyang DA sa ilalim ng pangulo at Kalihim ng Agrikultura na si Marcos Jr. na gamitin ang political will sa pagpaparusa sa lahat ng mga sangkot sa malawakang agricultural smuggling at kailangang magsumikap na lansagin ang walang patid na ‘smuggling mafia’ na nakikipagsabwatan sa mga tiwaling government officials,” ani Rafael Mariano dating kalihim ng DA.
Idinagdag ng grupong magsasaka na dapat ding kumilos ang kongreso sa mga kapintasan ng Republic Act 10845, partikular sa Seksyon 3, na nagsasaad na ang mga smuggled na produkto na nagkakahalaga ng P1 milyon para sa mga gulay at P10 milyon para sa bigas ay maaari lamang ituring na economic sabotage.
Dagdag pa nila, lumalala ang smuggling dahil umaasa ang gobyerno sa importasyon. Dahil dito, nanawagan sila sa administrasyon ni Marcos Jr. na palakasin ang lokal na produksyon at bigyan ng tulong at proteksyon ang mga magsasakang Pilipino.
Sinabi pa ni KMP chairperson emeritus Rafael Mariano, “Walang smuggler ang kinasuhan ng criminal charges. Ito ay nagpapatunay lamang na may mga untouchable na nangunguna sa malawakang agricultural smuggling sa bansa.”