Talasalitaan

Pagpaslang o Pagpatay


Pagpaslang o Pagpatay – planado at sistematikong pagkitil na hindi dumaan sa proseso sa kabuuan o parte man lang, ng isang pangkat. Nangangahulugan din itong anihilasyon ng isang grupo ng tao o sistematiko at sinadyang pagpapapatay, paglipol o pagpuksa sa isang lipi, grupong pampulitika o kultura.

Pagpaslang o Pagpatay – planado at sistematikong pagkitil na hindi dumaan sa proseso sa kabuuan o parte man lang, ng isang pangkat. Nangangahulugan din itong anihilasyon ng isang grupo ng tao o sistematiko at sinadyang pagpapapatay, paglipol o pagpuksa sa isang lipi, grupong pampulitika o kultura.

Kadalasan ginagamit ng United Nations (UN) ang mga terminong extra-legal killings (ELKs) na tumutukoy sa “mga ginawang pagpatay—halimbawa, ng mga grupo ng vigilante o mga lihim na ahente ng gobyerno—sa labas ng korte o legal na proseso—iyon ay, sa paglabag ng, o sa simpleng kawalan ng, angkop na proseso ng batas.” Isinasaalang-alang din ng UN ang kasingkahulugan nito na extrajudicial killings (EJKs).

Sa Pilipinas, patuloy ang sigaw para sa hustisya ng mga kapamilya, kabaryo at mamamayan ng Batangas isang taon matapos ang walang habas na pagpaslang ng 59th Infantry Battalion-Philippine Army (IBPA) sa nuwebe anyos na batang babae na si Kyllene Casao at 52 anyos na magsasakang si Maximino Digno sa magkahiwalay na insidente noong Hulyo ng nakaraang taon.

Sa inilabas ng New People’s Army-Eduardo Dagli Command (NPA-EDC) noong Hulyo 18, 2022, walang habas na pinaputukan ng militar ang mag-aamang Casao habang pauwi galing sa pagsusuga ng kambing sa Sitio Centro, Brgy. Guinhawa sa Taysan, Batangas. Tinamaan sa ulo si Kyllene at nasawi bago makarating sa ospital.

Upang pagtakpan ang kanilang krimen, ginipit, tinakot at hinostage ang buong pamilyang Casao. Sapilitang ginamit ang mag-anak para palabasing NPA ang nakapatay kay Kyllene. Ipinipilit nilang nasawi ang bata dahil sa engkuwentro sa pagitan ng NPA-EDC laban at 59th IBPA sa Sitio Centro.

Ang totoo, walang ikalawang labanan. Walang pakundangang nagpaputok ang mga sundalong nakabase sa Sitio Centro nang marinig ang putukan sa Sitio Amatong, may limang kilometrong layo sa Sitio Centro. Nangyari ng totoong labanan sa Sitio Amatong. Kung gayon, nagmula ang mga punglo na tumama sa bata sa mga sundalo ng 59th IBPA na naghuramentado sa Sitio Centro.

Noong Hulyo 26, 2022, walang awa ring pinagbabaril ng 59th IBPA ang magsasakang si Maximino Digno sa Calaca, Batangas. Nagpakana rin ng pekeng engkuwentro ang 59th IBPA at pinalabas na napaslang na NPA si Digno.

Subalit hindi nagtagumpay na maitago ng militar ang katotohanan sa brutal nilang pagpaslang kay Digno. Nanindigan ang pamilya at buong baryo na ordinaryong magsasaka si Digno, may sakit sa pag-iisip at hindi kasapi ng NPA. Wala ring katotohanan na may nangyaring na labanan sa lugar noong araw na ‘yon.

Gamit ang korte, mass media at lahat ng instrumento ng panunupil ng estado, binabaluktot ng 59th IBPA sa pangunguna ng commanding officer na si Ernesto Teneza ang katotohanan sa pagkamatay nina Kyllene at Maximino.

Inihahambalos nila ang Anti-Terror Law para gipitin ang mga sibilyan at mga human rights defender na nag-imbestiga sa insidente at inakusahan pang sangkot sa pagpaslang sa bata.

Nanawagan naman ang mga tagapagsalita ng Defend Southern Tagalog at Karapatan Southern Tagalog sa pagpapanagot sa mga sundalong may sala, kasabay ang pagpapatigil sa militarisasyon sa Batangas at mga karatig na lalawigan.

Sa pahayag ng pakikiisa ng Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan, ipinanawagan nila sa Commission of Human Rights Region IV-A at kay Governor Hermilando Mandanas ang kagyat na imbestigasyon sa nangyaring pagpaslang sa mga sibilyan at ang pagpapanagot at pagpapalayas sa 59th IBPA sa Batangas.

Nangako naman ang grupong Tanggol Batangan na hindi sila titigil hangga’t hindi nakakamit ang hustisya para sa mga biktima.