Makinig kay Ka Bea

Tuluyang pagbasura sa jeepney phase out


Sabi sa akin ng kakuwentuhan kong tsuper, “Kaya ko bang bayaran ‘yon? Wala pang limang taon laspag na ‘yan. Puro kalokohan ang gustong ipatupad ng gobyerno!”

Sa presyo ng modern jeepney na P2.8 milyon, hindi malalayong mabaon sa utang ang mga papasok sa cooperative sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP)

Sabi sa akin ng kakuwentuhan kong tsuper, “Kaya ko bang bayaran ‘yon? Wala pang limang taon laspag na ‘yan. Puro kalokohan ang gustong ipatupad ng gobyerno!”

Nag-iisa lang ang kanyang jeepney. Siya na ang may-ari. Siya rin ang nagmamaneho at kulang pa ang kinikita sa araw-araw para sa pangangailangan ng pamilya. Ayaw kilalanin ng gobyerno na ganoon din ang libo-libong tsuper: nanganganib na mawalan ng trabaho.

Pursigidong itinutulak ng gobyerno ang PUVMP upang pagkakitaan ng mga malalaking kapitalista, lalo na iyong mga dayuhang nagbebenta ng sasakyan. At iyang ibabayad para sa modern jeepney, mapupunta rin sa kickback ng mga korap! 

Deka-dekada nang nagsisilbi sa mananakay ang mga gawang Pinoy na jeepney pero  nais nilang ipalit ang mga mini bus o e-jeep na made in China, Japan at kung saan-saan.

Nagtakda ang gobyerno ng Dis. 31 deadline para i-surrender ang mga may hawak na prangkisa sa mga maliliit na opereytor ng jeepney at UV Express. Nagmamatigas pa sila. Wala na raw bawian sa deadline at kesyo ilang ulit nang naantala ang programa.

Pinagmayabang pa ng gobyerno na kesyo 70% naman na daw ng mga tsuper ang nag-modernize.

Pero nitong huli, biglang nagbago isip ng Malakanyang! Sa Abr. 31 na lang daw para maiwasang magkaroon ng transport crisis o malawakang problema sa pag-commute.

Ngayon pa lang, pahirapan nang sumakay. Isipin n’yo nga naman, kung biglang mawala lahat ng jeepney, tiyak na bubukol ang milyon-milyong stranded na komyuter sa mga kalsada.

Sa ganitong mga hakbang, tila inaamin rin ng gobyerno na hindi siya handa na epektibong magpatupad ng PUVMP. Lumalabas rin na hindi pa talaga nakapag consolidate ng prangkisa ang karamihan. Sa katunayan, UV express at hindi jeepney ang karamihan sa 70% na binabanggit nilang pumaloob na.

Ngayon pa lang, pahirapan nang sumakay. Isipin n’yo nga naman, kung biglang mawala lahat ng jeepney, tiyak na bubukol ang milyon-milyong stranded na komyuter sa mga kalsada.

Hindi solusyon ang PUVMP sa bulok na pamamahala ng gobyerno sa pampublikong transportasyon. Palibhasa, nakasentro sa mga sasakyan (car centric) ang buong latag ng imprastruktura ng transportasyon sa bansa. Hindi naman mawawala ang trapik kapag nawala ang mga jeepney, sakayan ng maraming komyuter ang mawawala.

Nitong katapusan ng Enero, nirekomenda rin ng transport committee ng Kamara ang buong pagsuspinde sa PUVMP. Ito’y higit pang pagkilala sa matinding kapalpakan ng programa.

Kailanman at saanman, hindi pa nangyayari ang biglaang pagtanggal sa isang buong porma ng transportasyon.

Sinabayan ang pagdinig sa Kamara ng kilos-protesta sa labas ng Batasang Pambansa. Lehitimo ang pagtitipon pero nagpasimuno ang pulisya ng gulo at marami sa mga tagasuporta ng mga tsuper at opereytor ang nasaktan.

Nagiging defensive na ang pamahalaan sa usaping phase out. Huwag nang hintayin pa ang Abril. Tuluyan nang dalhin sa kangkungan iyang PUVMP!