Masarap at abot-kayang pagkain mula sa Mindanao
Isa sa popular, masarap at abot-kayang lutuin ang chicken pastil na tiyak na magbibigay sigla sa Eid’l Fitr at anumang okasyon.
Mayaman ang gastronomiyang Moro sa mga pagkaing nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon. Isa sa popular, masarap at abot-kayang lutuin ang chicken pastil na tiyak na magbibigay sigla sa Eid’l Fitr at anumang okasyon.
Tinatawag itong “pastil” kung may kasamang kanin. “Kagikit” naman kapag ulam lang. Karaniwang binabalot ito sa dahon ng saging na nakadadagdag sa bango nito. Madali lang itong lutulin. Aabot sa 12 servings ang recipe na ito.
Mga sangkap
- 700g pitso ng manok
- Pakuluan sa 1 litrong tubig na may:
- 1 kutsarang asin
- 2 pirasong bawang
- 2 dahon ng laurel
- 1 kutsaritang paminta
- tanglad (opsiyonal)
- Pakuluan sa 1 litrong tubig na may:
- 1 tasang mantika
- 1 buong bawang
- 2 medium na sibuyas
- 6 kutsarang toyo
- 6 kutsarang suka
- 2 kutsarang oyster sauce
- 2 kutsarang asukal
- 1 kutsarang durog na paminta
- 1 kutsaritang turmeric powder o luyang dilaw
- 2 kutsarang chili flakes o sariwang siling labuyo (opsiyonal)
- dahon ng saging
- mainit na kanin
Mga hakbang sa pagluluto
- Pakuluan ang manok sa tubig na may asin at mga aromatiko. Hanguin, palamigin at himayin nang maliliit.
- Sa mainit na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at luyang dilaw sa mantika. Lagyan ng chili flakes o sariwang siling labuyo batay sa anghang na nais.
- Ilagay ang hinimay na manok, asin, toyo, oyster sauce, asukal at paminta. Haluing mabuti.
- Ibuhos ang suka. Hayaang matuyo muna ito bago haluin.
- Maaaring magdagdag ng mantika kung kulang pa para maprito ang kagikit.
- Halu-haluin ito hanggang sa matusta.
- Initin ang dahon ng saging sa apoy. Paglalaib ang tawag dito. Pinapalambot nito ang dahon para hindi ito mabitak sa pagbabalot ng pastil.
- Ilagay ang kanin sa dahon at ipatong sa ibabaw ang kagikit. Balutin ito.
- Maaaring samahan ng nilagang itlog o itlog maalat at kamatis.
- Ihain nang mainit!