Ang mga mananahi ng Bagbaguin
Sa bawat tusok ng karayom at bawat damit na kanilang ginagawa, makikita ang kuwento ng kanilang pagsusumikap, dedikasyon at pag-asa.
Sa maliit na tahanan sa Bagbaguin, Caloocan City, matatagpuan ang apat na kababaihang nagtutulungang maitawid ang kanilang pang-araw-araw na buhay bilang bahagi ng impormal na sektor ng mga manggagawa.
Sa kabila ng mainit ng panahon, walang kapaguran sa kanilang mga makina, nagtatahi ng mga damit upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya ang mga mananahing sina Ate Arlene, Ate Nina, Ate Sally at Nay Jo.
Sa bawat tusok ng karayom at bawat damit na kanilang ginagawa, makikita ang kuwento ng kanilang pagsusumikap, dedikasyon at pag-asa. Ngunit sa kabila nito, ang kakulangan sa mga benepisyo at katiyakan sa trabaho bilang sub-contractual ang pangunahing problemang kanilang dala-dala.
Bulto ng mga natapos na damit ng grupo nina Nay Jo.
Tinutuping mga bagong gawang sando mula sa tanggap nilang trabaho.
Si Ate Arlene, isa sa mga mananahi na kasama ni Nay Jo, na abalang tinatapos ang gloves pangsanggol.
Isa sa mga makinang ipinundar ni Nay Jo, upang masimulan ang kanilang pananahi ng kanilang grupo.
Ate Nina, isa sa mga mananahi na kasama ni Nay Jo, na abala sa pag-ayos ng mga natapos na nilang mga sando.
Si Ate Sally, isa rin sa mga mananahi ni Ate Jo, na katuwang nila sa pagtapos ng mga tanggap nilang trabaho.
Bulto patapos ng mga gloves pambata.
Si Nay Jo, ang namumuno sa patahian, na abalang tinatapos ang tanggap nilang trabahong sando.
Mga sinulid na gamit ng grupo nila Nay Jo para sa mga ginagawa nilang damit.
Ang tahanan at patahian ni Nay Jo sa Bagbaguin, Caloocan City.