Pagtakbo ni Maza sa Senado, protesta sa bulok na politika


Sa kabila ng harassment ng pulisya ng Caloocan City sa naunang venue, itinuloy ni Liza Maza ang pag-anunsiyo ng kanyang pagtakbo sa pagkasenador sa halalan sa 2025 nitong Ago. 15 sa Quezon City.

Sa kabila ng harassment ng pulisya ng Caloocan City sa naunang venue, itinuloy ni Liza Maza ang pag-anunsiyo ng kanyang pagtakbo sa pagkasenador sa halalan sa 2025 nitong Ago. 15 sa Quezon City.

Kinondena ni Maza ang ginawang harassment ng pulisya sa mga lokal na orginasador ng pulong masa sa Brgy. 175 sa Caloocan City. Malinaw umano ito na pampolitikang panunupil ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa mga progresibong kandidato sa eleksiyon.

Ani Maza, ang kanyang pagtakbo ay protesta sa bulok, kurakot at mapanupil na politika sa bansa. Panahon na umano para isulong ang politikang makamasa at makabayan.

Buo naman ang suporta ng mga sektor ng kababaihan, katutubo at migranteng manggagawa sa pagkandidato ni Maza sa Senado.

Sabi ng mga tagasuporta ni Maza, napatunayan na ang track record ng dating kinatawan ng Bayan Muna Partylist at Gabriela Women’s Party sa pagsusulong sa mga makamasa at makabayang interes sa Kongreso. 

Si Maza ang ikaapat na nagpahayag ng kandidatura sa ilalim ng Makabayan Coalition.